After ng tug of war kanina at Venecian rope tower course kung saan parehas na ang audit department ang nagwagi ay pinabalik na kaagad sila sa kaniya-kaniya nilang mga kwarto mga bandang alas singco na rin ng hapon. Kailangan daw nilang makapagpahinga ng maaga dahil nga madaling araw silang umalis kanina para magbiyahe. "Napaka competitive pala ng mga tao sa Audit Department 'ano?" amazed na sambit ni Mira habang hinihintay nilang i-serve ang breakfast nila doon sa dining area ng resort. "Totoo, Sis. Nagulat din talaga ako. Hindi natin nakasama noon si Sir Franz sa mga past team building kaya hindi ko alam na ganoon siya ka-active," sagot naman ni Lyka. "And ngayon ko lang din napansin na gwapo pala ang mga auditors natin. Ang gaganda pa ng katawan. Super fafable. Manang-mana lahat kay

