Habang nakatingin si Joymi sa larawan nilang dalawa ni Franz noong kasal nila ay parang may kamay na bigla na lang kumurot sa puso niya kaya nanikip ang kaniyang dibdib. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na darating ang panahon na hindi niya ng maramdamang masaya siya sa relasyon nila.
He is her first love. Akala niya ay pang fairytale na ang love story nilang dalawa dahil isa siya sa mga iilan na nakatuluyan at napangasawa ang unang taong inibig pero mali pala siya.
Siguro nga tama ang sinabi noon sakaniya ng lola n'ya. People fall in love by chance and stay in love by choice. Because love is like a flame, its up to you if you want to add fuel to keep it burning or just pour water in it to stop the fire.
Paano nga ba sila nauwi sa ganoong klase ng sitwasyon? Maibabalik pa kaya nila ang dating ningas at init ng kanilang pag mamahalan? O tuluyan na lang silang mauuwi sa hiwalayan dahil sa mga problemang hindi napag uusapan.
Will they be able to save their marriage? O katulad ng iba ay mauuwi lang pala ang lahat sa broken promises and broken vows?