“God! Kung hindi lang talaga pa-epal ‘yang papa mo, we’ll be out all night every night!” Napailing-iling ako sa mga paglalamento ni Selena nang mapag-usapan namin ang mga nangyari sa bar.
Hindi kasi sya nakasama noon sa bar dahil nagpunta sya sa Japan para “magbakasyon.” Mga scam ni Selena, alam naman namin na hanggang ngayon ay hinahanap nya pa rin kung saan napunta iyong ex nyang bigla na lang nawala na parang bula.
Umagang-umaga, nasa hallway kami nila Cassie at Selena na nakatambay habang walang klase.
“Tell me about it!” sabi ko. “Tapos kung kailan magiging busy na tayo sa school e saka pa nakakuha ng trabaho ulit abroad,” I sighed. Engineer ng barko ang tatay ko noon pero umuwi sya noong first year ako dahil na-stroke sya at inabot ng halos dalawang taon ang recovery nya. Ngayong third year na ako ay mas magiging busy na sa school at hindi naman na kami makakaparty ng katulad noong nakaraan.
Nginitian ako ni Cassie. “Don’t worry, akong bahala dyan!”
Inirapan ko sya at nginitian. “Oh, you and your brujeria!”
“You know it works,” at pagkasagot nya noon ay sabay kaming napatingin kay Selena na inirapan lang kami.
She cleared her throat and said, “Well, kahit naman hindi party, at least pagkaalis nya e makakapagsleepover ka na kapag nag-group study tayo. And! Kapag end na ng term edi makakapagparty na uli tayo! At saka kapag nag-inuman sa condo edi hindi mo na kailangan umuwi before 5 PM!” Natawa ako sa pagdiin nya sa curfew ko. It’s really ridiculous how strict my father is.
“Kaya rin talaga hindi kita masisisi na makipagharutan sa isang older guy,” I groaned at what Cassie said. “It’s not your fault that you have daddy issues!”
Humagalpak ng tawa si Sel doon. “b***h, please. ‘Wag kang magmalinis! E kaya nga tayo bestfriends e, di ba?” Sabay-sabay kaming natawa roon.
Totoo namang lahat kami ay may degrees ng daddy issues. Pinakamalala nga ata ang kay Selena e. She’s the daughter of Cresencia’s governor. At dahil politiko ang tatay nya ay madalas itong wala sa kanila at samahan pa ng pagkakasakit at pagkamatay ng ina nya, e hindi na nakakabiglang maraming issues si Sel. Oh and dagdagan pa ng nag-asawa ng higit na mas bata ang tatay nya just under two years after ng pagkamatay ng nanay nya. And Cassie’s not much better. Nang nabankrupt ang negosyo ng tatay niya ay iniwan silang mag-ina noong bago sya maghigh school.
“Charot! Good morning, mga ka-DDS!” Natawa ako sa pagdating ni Echo. DDS ang tawag nya sa amin dahil nga DaDdy iSsues daw. Nakipagbeso sya sa amin at nang ako na ang kabeso nya ay saka na sya bumanat, “Ikaw, huh!" sabi nya sabay kurot sa tagiliran ko, napangisi ako doon, "Mga tanders pala type mo, huh?"
Baklang ‘to! “Ilakas mo pa, baks! Di ka naririnig ng buong school!” Natawa sila doon.
“Ay, guuurrl! Kahit hindi ko ilakas e laman ka na ng tsismis sa Twitter, ‘no!” Napakunot ang noo ko doon. Hindi kasi ako masyadong naglalagi sa app na ‘yon dahil nakakabrain cancer ang mga tao doon. “Pero ah,” medyo pabulong nyang sabi, “Ang galing-galing mo, ‘te! Albrecht Sigrid?” Napailing ako sa pagtili nya sa sobrang kilig. “Tsaka nakita ko ah, finollow ka!”
Finollow nga nya ako sa i********: at medyo nag-usap din kami doon pero medyo na-bored ako sa kanya. Hindi kasi maalis sa utak ko iyong lalaking tinawag ko ng Daddy. Ni hindi ko man lang naitanong ang pangalan noon kaya hindi ko rin nasubukang hanapin sa internet. At saka, one time lang naman din iyon, baka hindi ko na rin makita pang muli, so what’s the point?
Chinika pa kami ni Echo at inintriga nya rin si Selena sa kung anong napala nya sa Japan. Walang filter talaga ang isang ‘to. Pero medyo naramdaman ko na hindi naman para sa wala ang ipinunta nya doon. Mukhang nagkaclue naman sya.
Pero hindi rin nagtagal ay bumalik sa tungkol sa akin ang usapan. “Ikaw, bakla ka talaga! Pati mga taga-Isengard ay naintriga sayo! Sa dami mo ba naman na litrato sa Twitter at IG na nakikipaglaplapan sa kung sino-sino e!” Hinampas ko na sya sa braso habang naghahagikgikan sila Cassie.
“‘Paka-bulgar mo, bakla! Ano ba!” natawa kami. “Erm, I was drunk kashi e~” pagpapacute ko.
“So ganyan pala makabingwit ng tanders na AFAM?” I groaned.
Humagalpak na naman sila sa tawa. Naienjoy nila ‘tong pangtitrip sa akin ah! "Hindi naman ganoon katanda, no! Siguro mga nasa mid-20s palang sya," pagtatanggol ko.
"Asows, alam naman namin, girl," pakikisali ni Cassie, "Mga tipong Mr. Grey ang mga tipo mo."
Humalakhak ako doon. I mean she’s not entirely wrong.
"Si Kat pa ba? Sugar Daddy ang hanap nyan." Namula agad ako at napa-face palm sa sinabi ni Selena.
Nagflashback na naman sa utak ko iyong nangyari sa bar. Natigil lang naman kami sa paghahalikan nang may tumawag sa kanya at kinailangan nyang sagutin iyon. It was important daw and was for business kaya umalis rin sya pagkatapos. But he said, he’ll find me. Pero up until now, wala naman kaya naisip ko na scam nga. Kung i-contact nya man ako this week, I’m not gonna pass up the opportunity rin naman. I mean, he’s hot and all, so why not?
"Nakakainis! Sana talaga nakasama ako dun!" reklamo ni Selena, na naman.
"Bakit, di ba enjoy ang Japan? Inuwian mo ba ko?" Echo wiggled his eyebrows as he asked her that.
Natawa kaming lahat sa tanong nya. Bigla naman kaming pinalapit ni Selena sa kanya na para bang may sasabihin syang sikreto. "Binilhan ko kayong lahat."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. “Kahit si Sister Cassie?” Tinampal ni Cassie ang braso ko. She’s very conservative kasi when it comes to s*x and all that. Pero adik rin naman sa mga 18+ tarot readings ng soulmate nya.
Mapapahaba pa sana ang usapan namin kaso nakita na naming papalapit ang prof namin sa first period kaya nagpaalam na din kami sa isa't isa at pumunta sa kanya-kanyang room.
Wala akong kaklase sa kanila sa mga major major na subjects kasi medyo ahead ako since kapapasa pa lang nila ng Structural Theory.
Needless to say, boring ang klase. First day ng term kaya wala pang ginagawa, early dismissal at ang iba naman, wala pa as in na professor.
Dito kasi sa MIT, Magnus Institute of Technology, apat na terms kami, each term 10 weeks, at kada term, magpapalit subject/course. Mabilis ang pacing, talamak ang bagsakan, God’s blessing ang tres at naglalakad na mga zombie ang mga estudyante. Kaya naman ngayong seryoso na ako sa pag-aaral, hindi na muna ako iinom, o gagala ng madami.
"Oy narinig nyo baaaa?" malakas na tanong ng tsismosang si Shenna sa amin habang naglalunch. "May bago daw na prof ang CE."
Civil engineering kasi ang program namin.
"Nabalitaan ko rin 'yan kay Gracie, sobrang hot nga daw e," dagdag naman ni Echo. Basta talaga may hottie, informed agad ‘to eh.
Tinaasan ko lang sila ng kilay. Mataas ang standards ko sa kagwapuhan. Siguro kakabasa ng mga librong pang fairytale ang ending. "Hmm, ano daw subject hawak?" pakikisama ko. Alam ko naman kasi 'yang mga mata ni Gracie e may kalabuan pagdating sa mga lalaki.
Shen started tapping me uncontrollably. "May steel ka di ba?" tanong nya.
Tumango ako. Ah, so prof ng Steel and Timber Design. Baguhan? Baka wala akong matutunan kung 'yun ang prof ko, ipapalipat ko na lang if ever.
"Sabi nila Ann, 195 daw nila prof 'yun e?" sabi naman ni Cassie.
"Baka both?" sabi ko. "Magkakaklase tayo dun di ba?"
"Ano ba 'yung 195? Kasi syempre kung prof natin hot, edi papabibo ako, mag-aadvance na ako para kapag recitation, pansin ako," sabi naman ni Echo, he’s so extra talaga.
"Ethics ng mga CE daw 'yon. About sa pagkokontrata at specifications. Ganern," sagot ko.
"Sana talaga sya ang atin." And they all sighed.
Alas tres ang klase namin sa ethics. Nasa room na kami. And thankfully, halos lahat ng kaklase namin e kilala ko. Always kasing nakashuffle ang mga nagiging kaklase ko. At buti na lang kaklase ko rito sina Shenna, Cassie, Selena, at Echo.
Maingay ang classroom ngayon since magkakakilala nga. Siguro nasa mga trenta kami rito ngayon. Maraming marami na iyon sa paningin ko. Kadalasan ng mga klase ko, nasa bente mahigit lang kami dahil ang daming nagdadrop at kaunti lang ang eligible na magtake ng mga subject na iyon. This is a fresh start. I have a good feeling about this class.
"Uy confirmed na talaga. Prof nga natin 'yung gwapong bago!" sabi ng isa naming kakilala. Feeling ko exaggerated lang ang mga usapan ng gwapong prof. Baka naman gwapo lang compared sa mga naghihingalong mga existing prof namin.
"Sya 'yung Fernandez?" tanong ni Echo. Magkakatabi kami sa klaseng ito, at sana lang hindi magpaseating arrangement. Sana hindi alphabetical kasi lugi ako.
"Andrei Fernandez. Sabi ng last class nya, maaga daw silang pinalayas. Nagpa-index card lang daw." Napangiti ako doon. My type of prof!
"Excited na tuloy ako." sabi ni Cassie. Hayok din 'to sa gwapo e.
"Baks, walang IG, sss or Twitter si Sir," halatang disappointed si Echo doon. "Sayang."
"Kung totoo mang gwapo 'yung prof, hanggang tingin lang naman tayo. Baka mamaya manyak din pala 'yon tulad ni Sir Santos. ‘Sus buti na lang napalayas na 'yun."
"Jusko depende sa kagwapuhan nya, magpapamanyak ako!" si Echo talaga! Napailing na lang ako habang nangingiti.
"Bakla, makalat na, huh. Hinay-hinay." Natawa ako kay Cassie.
Mas lumawak pa ang usapan lalo na nang nalaman nila na naging prof din namin si Sir Boomer, I mean, Sir Santos na manyak pala. Napakasungit pa noon sa amin at pinaparamdam talagang wala kaming kwenta tapos ganoon naman pala sya. Hypocrite! The jokes write themselves. We bonded over our hate for him. Parang AA therapy session lang na nagshishare ng experiences namin mula sa pamumuno ng Santos na iyon. Isang malaking eskandalo sya para sa eskwelahan namin.
"Nako, hindi lang naman si Santos 'yung manyak dito sa MIT e. Dami rin kayang nambibiktima dito," sabi ko. I should know, ang daming nagtatry noon na mga prof sa dati kong mga kaibigan.
After a few minutes, I got puzzled when I saw the shock on Shenna’s face and well, almost everybody rin. Pero nang tignan ko ang direkyon na tinitingnan nila, halos atakihin ako sa puso.
No. No. No. NOOOOOOOO!
Napakurap-kurap ako nang marealize kung ano ang nagmaterialize sa harapan ng room namin.
Very, very light brown eyes, na hindi mo mawari kung brown o dilaw o ginto; chiseled features, and his well-fitted indigo suit. nAnd damn, those luscious lips I will never forget.
MAY MALI. BAKIT 'YAN NANDITO, HE'S NOT SUPPOSED TO BE HERE!!!!
His eyes widened a bit when he met mine. Mukhang nagulat rin sya na nandito ako. He sucked in his cheek na parang pinipigilan ang ngisi nya. He clicked his neck after he sat down on the teacher’s table, putting down his things.
My mind's not properly working right now. Sinisiko ako ng mga katabi ko both ways. Si Echo at si Shenna magwawala na siguro dahil nakilala niya kung sino ang lalaking ito. Si Echo ay malamang dahil tunay ngang gwapo si Sir. Nay, he trancends the definition of handsome.
"Good afternoon, everyone. I'm Engr. Andrei Santino Fernandez, and I'll be your professor for this course, CE195-2, Civil Engineering Law, Contracts, Specification and Ethics." His deep raspy voice that almost a bedroom voice filled the room. I’d be lying if I say I wish this class would end quickly because goddamn, I could listen to his voice for hours.
JUSKO, HIHIMATAYIN NA ATA AKO.
Our eyes met as he was saying he's gonna be our prof. LORD BAKIT NAMAN GANITO? Like I know, I’m agnostic pero kung gusto mong magworship ako, baka naman may ibang signs na pwedeng gawin, hindi ganito?
Sa dinami-dami ng mga pwedeng mangyari, bakit naman ganito?
Noong nasa bar kami, I laid down my own rules. Kapag taga-MIT, off limits kasi baka magkilala kami at baka maging kaklase, ayokong maging awkward. So bakit PROF PA?
"So, you're class A6, right?" Umoo ang buong klase. Ramdam na ramdam ko ang pagkastarstruck ng lahat. I can hear sighs here and there. Iniisip siguro nilang sobrang swerte nila.
BAKIT KAILANGAN KO MAGING PROF YUNG NAKAPALITAN KO NA NG SALIVA? LORD BAKIT KA BA GANYAN? MAY PROBLEMA KA BA SAKIN? MAPAPAG-USAPAN NAMAN YATA NATIN ‘TO NG WALANG GANITO!
"Anyway, we're only going to be doing some orientation today. Lay down some class rules." He smirked. OHMYGOD. Ang kalat, sir. Ang bastos pakinggan kapag galing sa boses mong pang-kama ang dating.
"Girl, ang malas mo, ang swerte namin." I sighed sa bulong ni Shenna.
Namula agad ako ng napansing sobrang napalakas pala ang ang pagbuntong hininga ko.
"Is there a problem, Miss? You don't like following the rules?" Oh, he knows what he’s doing, alright! Samahan pa ng hindi ko mawaring accent nya, and god, that voice? I would spontaneously combust if only I didn’t know him from the bar! OH TO BE A NORMAL STUDENT RIGHT NOW WITHOUT PRIOR HISTORY WITH HIM!
Kagat-kagat ko ang labi ko, pinipigilan ang inis ko. Bakit ang suggestive ng pagkakasabi nya noon? Ako lang ba ang nakakapansin noon dahil naaalala ko ang bawat halik nya sa akin and what it's like to dry hump him? O sadyang parang may laman talaga?
I swallowed. "None, sir. No problems whatsoever..... po." I'm amazed at how I can string proper sentences like that right now.
"Okay, so anyway, I can't really speak as much Tagalog but if there's something you can't understand, you can ask me and I'll try to explain to the extent of my Tagalog skills."
"Jusko, pachupa, I mean, pa-tutor, Sir." Ang mga kabulastugan na ibinubulong ni Echo sa aking ay pwede nang ticket papuntang impyerno.
Mahalay lahat e. Parang sobrang di na virgin 'yung tainga ko dahil sa kanya.
Nagpasulat si Sir Daddy, I mean SIR lang, ng info namin sa index card. At kung ano-ano na ang naiimagine ni Echo na gagawin ni Sir sa phone numbers namin.
Nang ipapasa na iyon, aba't sa akin nila ibinigay ang lahat at ako ang napilitan na lapitan si Sir para ibigay iyon. Nagmadali akong bumalik sa upuan ko right after.
I was soooo mortified when I realized. Shocks, mukha akong baked potato ngayon kumpara noong nasa bar kami na nakamake up ako at nagpacrop top si mayor. Naka-t-shirt lang ako, jeans at combat boots na walang kaeffort-effort man lang. Hindi naman kasi ako maporma in the first place pero ang mas nakakahiya ay ang mapimple kong mukha. I mean, iilang pimples lang naman pero kasi ang dami kong dark spots galing sa mga naunang pimples. PLEASE SOMEONE TELL ME NA HINDI NYA NAMAN AKO NAKILALA DAHIL IBANG-IBA ANG ITSURA KO NOON KUMPARA SA NGAYON! He's probably thinking that he got catfished. Bakit ba ang malas-malas ko?
"So I want you guys to be comfortable with me, so I'm just gonna ask your nicknames or the name you're comfortable with. You can call me Sir Andrei or Sir Fernandez, by the way. My pronouns are he/him."
"Jusko, Sir, top me anytime." I shook my head and rested it on Echo's shoulder.
Nag-umpisang magtawag si Sir ng mga pangalan at sinabi naman ng mga natawag ang nickname nila. He's not boring, which is bad. Madaming mahuhumaling sa kanya niyan kapag ganyan. Well, kung hindi pa buong campus ang fandom nya. He drops a joke every now and then about sa nickname ng mga kaklase namin.
"Ekaterina Salvatorre?" Napadiretso ako ng upo ng di oras. "Nickname?"
Nadistract ako bigla when he licked his lip while staring at me. I then blurted out, "Baby, Sir."
Kahit ako, nagulat sa ginawa ko pero I pretended to be okay, I'm good at that. God, I hate my brain! Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin e!
Napaubo si Sir doon. He shifted in his seat. Bakit, Sir Daddy, hard ka na agad? Charot. Paano ka naman magiging hard kung ganito ang itsura ko ngayon. Mukha kong slapsoil.
"Uhm. That's your nickname?" Ramdam ko ang tawa ng mga kaklase ko. Narinig ko pa nga ang mga kakilala kong lalaki na nagsasabing 'hokage', 'breezy', 'smooth.'
Alam kong namumula na rin ako hanggang tainga. Ramdam ko naman. "Sa bahay po, Sir. Pero po you can call me Kat na lang if you're uncomfortable calling me baby."
Nakayuko si Echo sa sobrang pagkakahiya sa akin. Baklang 'to e mas makalat pa nga sya sakin.
Good lord, help me naman masurvive itong term na 'to! Gusto ko lang naman pong grumaduate!