Kenji

1229 Words
"Who are you talking to?" nanlamig ang katawan ko nang marinig ko ang boses nya sa likuran ko. I tried my best to act normal. Hinarap ko siya at pinakita ang caller ID. "Just my friend Kierra" mabuti na lang at matagal ko nang pinaghandaan to. Pero hindi ko alam kung kailan pa siya nasa likod ko kaya hindi rin ako makampante dahil baka madami na rin siyang narinig. Mataman nya akong tinitigan "At bakit ka naman babawi sa kanya?" "I didn't invite her to our wedding because as you know ni isang friend natin hindi pinayagan nila mama" kalmado kong sagot. "Okay then" he said and turned his back on me. "Bilisan mo dyan at marami pa tayong aayusin" Kaagad na akong nagpaalam kay Kenji at dumiretso sa loob. May dalawang maids at isang driver kaming kasama. Hindi kalakihan ang bahay namin, may apat na kwarto at isang dagdag na kwarto para sa mga kasambahay. Dalawang palapag at simpleng simple lang ang estilo. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mapansing maraming halaman na nakapwesto sa paligid. "Ma'am kayo na lang raw ho ang mananghalian, umalis po si Sir Elijah. Pupunta raw po ng office" "Ganon ba? 'Wag na po kayo mag abala. Aalis din po ako maya maya." Nginitian ko lang siya saka ako pumasok ng kwarto. Maging ang style at furnitures ng Master's bedroom ay hindi ganon ka elegante. Napapaisip tuloy ako kung sino ang pumili nito dahil kung si Mama, paniguradong maraming kung ano anong kaartehan ang makikita ko rito. Wala na akong sinayang na oras at kaagad na gumayak para kitain si Kenji. We decided to meet in our house. Yes, may sariling bahay din kami ni Kenji. Matagal na kaming nagpatayo para sana pag kinasal kami ay may nakaready nang lilipatan kaagad. "Love?" Diretso na akong pumasok sa loob. "Kenji?" "Adda?" dali dali siyang tumakbo pababa ng hagdan at niyakap ako. He's wearing a simple blue shirt and a red short na talagang bumagay sa mistiso nyang balat. We hugged tightly and he kissed my forehead "I missed you Ken" isiniksik ko ang mukha ko sa leeg nya. "I'm really sorry" and there, I let myself cry on his arms. "Sshhh it's okay, I'm here" He's gently stroking my hair and guided me to sit on the sofa. "Kamusta ka? How was your... honeymoon?" Humiwalay ako sa kanya at nagpunas ng luha. "I hate him Ken, I really hate him" "What happened?" he caresses my cheeks. "He's a complete jerk. Napaka dominante at inconsiderate nya. He's mean at walang pake sa iba. Napaka controlling nya" "Hindi ka ba nya sinaktan?" natahimik ako. Sinaktan ba nya ako? Masasabi ko bang ginahasa nya ako kung nagustuhan din naman ng katawan ko ang ginawa nya? Alam kong ayaw ko, pero wala akong kontrol sa katawan ko nung ginawa nya na ang gusto nya. "H-hindi" "Are you sure?" "Yes" mahigpit na lang nya akong niyakap. "Nananghalian ka na ba?" tumayo siya at dumiretso sa kusina. "Hindi pa" "Magpahinga ka muna, ipagluluto kita. Maybe you want to check Nala. Nasa catio siya, naglalaro." "Yes, later" Naupo na lang muna ako at pinanood siyang magluto. This is the reason kung bakit hindi ko maipagluto ang demonyo kong asawa. Kenji never let me cook. Hinahayaan nyang ako ang maghugas ng plato or massage na lang after nya akong pagsilbihan. Pero siya talaga ang gumagalaw sa kusina ever since. He said he loves seeing me enjoy the food he made. [From: Elijah I'll be home late. Don't wait for me] "Mabuti naman. Pa update update ka pa akala mo naman gusto kitang makita" hindi ko napigilang mapairap. "Hahaha mukhang inis na inis ka sa kanya ah?" "Kung alam mo lang. Gustong gusto ko siyang saktan. Kung hindi lang ako takot don eh." "Come here, let's eat. Galit na galit ka masyado eh hahaha" he cooked me sinigang and we ate our lunch. I spent my whole afternoon with him. Kahit papano, I had my little escape. We were lying in bed habang nasa gitna namin si Nala-our cat. "Oo nga pala, wala ka bang trabaho ngayon? Bakit nandito ka yata maghapon?" tanong ko. "Nagpaalam ako sa supervisor namin. I said I needed a break" I nodded, "Ikaw na lang mag isa ang natutulog dito" a tear fell down again. Hindi ko talaga maiwasang maging emosyonal sa dami ng nangyayari sa buhay ko. "Ano ka ba, it's fine. Basta kapag kailangan mo ng mauuwian, uwi ka lang sakin." He smiled. "Okay ka lang ba?" "Syempre hindi. I watched the woman I dream to marry say her vows to someone else. How can I be okay?" he tried to mask his sadness with a smile but his eyes couldn't lie. "Hindi mo ba naiisip na mas madali kung iwan mo na lang ako? You stoop so low just to be with me Ken. Hindi mo deserve 'to" "Wala na 'kong pakialam sa totoo lang. Basta kasama kita, basta okay tayong dalawa." Niyakap ko siya ng mahigpit. "I'll do my best to make everything better. Itatama ko lahat ng pagkakamaling 'to. Ipaglalaban kita Ken, pangako 'yan." We watched a zombie movie before I left. I had a great time at kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Dumiretso ako sa bahay ng parents ko dahil ipinapatawag ako ni Mama. "Ma? I'm here" inilapag ko ang bag ko sa sala at dumiretso sa kusina. "Anong niluluto nyo?" "Hi Ija! How is my baby girl?" masaya nyang bati. "I'm okay" pilit akong ngumiti. "Okay? You should be happy! Katatapos lang ng honeymoon mo, you are officially Mrs. Adda Rosario Quirino" Tuwang tuwa nyang sabi na para bang nakakuha ako ng isang trophy para sa bansa. Bumuntong hininga na lang ako "Hay nako Ma, ano ba tong niluluto mo bakit napaka dami?" "Oh, we invited your husband din anak. Let's have our first family dinner to welcome him in the family" "Ang bait ah, samantalang pag si Kenji napaka matapobre nyo" bulong ko. "Ano yon?" "Ah wala po, sabi ko kailangan ko na matuto magluto para malutuan ko na siya" "Buti naman at naisip mo yan. Inenroll kita sa cooking class Adda, you'll start next week." napanganga na lang ako sa sinabi nya. "Concerned na concerned ka sa magulang mo ah" I said sarcastically Iniwan ko na lang siya sa kusina. Hindi ko mapigilang mapairap pagtalikod ko. Pag si Kenji parang asong kalye? Pag si Elijah parang Diyos kung itrato? Nakakairita. Dumiretso ako sa kwarto ko at lumabas sa Veranda. Inilabas ko ang kaha ng sigarilyo sa bag ko at sinindihan ito. Tuloy tuloy ako sa pagbuga ng usok habang nagiisip. Kailangan kong ayusin ang pakikitungi sa akin ni Elijah. Hindi pwedeng kinakaya kaya nya 'ko ng ganito. Isang oras ang lumipas. Patuloy pa rin ako sa paghithit ng sigarilyo nang may itim na kotseng pumasok sa gate, nakababa ang bintana non kaya naman nakita kong si Elijah ang sakay non. Pinanood ko lang siyang makababa. He's wearing a green polo shirt na hapit na hapit sa katawan nya at brown pants with black belt. He looks elegant. Napatingin siya sa gawi ko, dumapo ang tingin nya sa kamay kong may hawak na sigarilyo at nangunot ang noo. Tinaktak ko ang upos nito at diretso sa mata siyang tinitigan sabay hithit at buga ng usok. 'It's time to show you a part of me I hid because of Kenji'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD