Narinig ko ang pagpasok ng kotse nya sa gate kaya dali dali na akong lumabas para salubungin suya. Hinanap ko ulit ang app sa cellphone ko at nilapag ito sa lamesa. "You're here" mukhang pagod at stressed sya pero wala akong pakialam. "Ano to?" sabay turo sa cellphone ko. "What do you mean?" Kunot noo siyang lumapit sa 'kin. Itinaas ko ang cellphone at iniharap sa kanya "Why is there a tracker on my phone?" iritang irita na 'ko. Bumuntong hininga siya at napahawak sa sentido. "It's just for your safety, stop overreacting." Tinalikuran nya ako at naglakad papunta sa kwarto. "For my safety? This is damn stalking! Are you insane? wala ka bang respeto sa privacy ko?!" "Can you stop nagging?! Kung marunong ka lang sana mag update at hindi mo 'ko pinagaalala, hindi na kailangan nyan! Bu

