Ashley POV
"Ba't andito nanaman siya ? "
"siya yong Isang araw diba?"
"anong ginagawa niya rito?"
" bat siya bumalik? "
" hala baka may ginawa yan kaya pinabalik "
" ang pangit niya infearnes "
Samot-saring mga bulongan agad ang narinig ko nang pag pasok ko palang sa building nato.
Kahit nga yong guard nagulat din na may pinakita akong black card sa kanila at I'd.
Yong black card exclusively daw ito sa mga taong nag t-trabho sa company nato. Kung wala kanito hindi kanila papasukin na basta-basta dito. Napakahigpit ng security nila na kahit Ikaw mismo employees dito hindi karin papasukin kung wla kanito.
Yong I'd, ito ay hindi ordinaryong I.D lang ito ay scanner I.D. Bago ka makapasok ay makikita yong finger print mo na kapag tinapat mo sa Isang scanner ma r-recognize agad na Ikaw ay lihitimo.
Ang hitech nila rito.
Sabi daw ni miss Kim sakin kahapon. Punta lang daw ako sa 30th floor uli at mag hintay sa labas ng office ni ma'am George.
Hindi parin daw siya makapaniwa na makikita ko na daw yong amo niya.
Kung alam mo lang miss Kim. Pangatlong pagkikita namin to kung sakali.
Nasa nasa ikalimang palapag na kami ng nagsilabasan yong mga kasama kosa elevator. May bumunggo pa sa balikat ko kaya na out of balance ako at agad na napakapit sa railings ng elevator.
Nakita ko pa ang pagtawa nito at agad akong pinaikotan ng mata.
"b*tch" ang sabi ng babae sakin bago sila lumabas at nag tawanan.
Napailing-iling na lang ako at tumayo ng tuwid. Pinindot ko agad ang 30th floor.
Wala ba silang magawa?
Nang tumunog ang bell nito ay hudyat na nasa 30th floor na ako. Paglabas ko ng elevator gaya nong una wala akong may nakita ni Isang tao dito sa hallway mistula itong ghost town dahil sa sobrang tahimik.
Kaya tinahak ko na ang landas patungo sa office ni Ma'am George. Iwan ganda-ganda talaga ako sa pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya.
Ang sabi ni miss kim mag hintay lang mona daw ako dito sa labas. Hintayin ko na lang daw ang hudyat kung pwede na akong pumasok.
Nag hintay lang ako ng Ilang oras ng biglang nag open yong pintuan na mag Isa. Ito na ata ang hudyat na sinasabi ni miss Kim. Pag pasok ko Isang mabagong amoy agad ang sumalubong sakin.
Hindi koparin talaga mapigilang mamangha sa Opesinang Ito. Sobrang ganda kasi talaga. Agad naman na pukaw ang attention ko sa unahan may nakatitig sakin at magkasulobong ang kilay. Kaya alanganing akong ngumiti at tumungo sa kanya.
Ayan nanaman yong puso ko parang gusto komuwala.
Focus ash mag focus ka.
"G-goodmorning ma'am " alanganing kung bati.
" set " utos niya sakin kaya daling-daling daling akong umupo.
May kinuha itong folder sa gilid niya at binigay sakin.
"read" tipid niyang sabe.
"s-sige po " Binuklat ko yong folder at binasa yong mga nakasulat doon.
Tungkol sa mga rules and regulations ang mga nakasulat rito at yong iba mga schedule's ko, meron din akong day off pag Sunday.
" Miss Gonza you're office at outside infront of may office." tumango ako kahit hindi siya tinitignan. Binabasa ko kasi Isa-Isa ang mga nakasulat rito.
" as you've read the rules and regulations I'm hoping you always remember that and don't you there to obey it , If you want to stay here follow the rules and do you're job better. If not the door is open you are free to leave. "tumango ako uli rito at tumingin sa kanya.
Inirapan ako nito.
Okay?
" Miss Gonzaga your job isn't not an ordinary job. You have a lot of responsibility but I don't want you to give it all. Sense this is your first day someone waiting you outside to teach you of some Important(s) na dapat mong gawin. You may go out " Nag iwas na ito ng tingin at agad itong nag focus at nakatutuk sa loptop niya may tinipa na kung ano-ano.
Nakatitig lang ako sa kanya ang ganda talaga niya lalo't pa't nakalugay ang brown at mahaba niyang buhok. Ngayon ko lang siya nakitang nakasuot ng salamin na bagay na bagay sa kanya. Bagay na bagay din and suot niyang business attire. Bagay din yong kulay lipstick na ginamit niya.
Iwan hindi ko ma pigilang mag compliment sa kanya. Ano na lang kaya ang magiging reaction ng mga tao sa labas pagnalaman nilang kung gaano ito ka ganda?
"Did I make myself clear miss gonzaga or You want me to f*ck up you're head ? " Nagulat naman ako sa sinabi.
Kaya nataranta akong tumayo.
"S-sige ma'am thank you a-alis na po ako " Iniwas ko nayong tingin ko sa kanya at agad na tumungo sa pintuan para lumabas.
Sinasabi ko na nga ba anghel lang yong mukha ,yong bunga-bunga hindi.
Automatic naman nag open yong pintuan at agad akong lumabas. Habol ko parin ang hininga na kanina kopa pinigilian.
Wews.
"Hi You're Ashley right?" bumungad naman agad sakin ang Isang gwapong lalaki sa harap ko.
Shit. Kung Ito ang para sakin handa akong magparaya.
"a-ah yes, yes " ngumiti ito sakin kaya kita ko ang mga puti niyang ngipin.
"Great. I'm stevan ako yong inataasang mag t-train sayo sa mga dapat mong gawin " nag lahad ito ng kamay kaya nahihiya tinanggap ko ito. Nag shake hands kaming dalawa.
" my hand " Tyaka ko lang na Malayan na hawak-hawak ko parin ang kamay nito.
" S-sorry po " agad na binawi ang kamay ko sa kanya.
Nakakahiya.
" Tara sa office mo? " tanong nito sakin kaya tumango ako.
Sobrang lapit lang bala nito sa office ni ma'am Georg.
Ilang hakbang lang. Alam mo yong may sarili siya pader pero walang bubong. Hindi ko rin maaninag yong iba dito kasi masyadong mataas yong pader.
Yong labasan niya nakatapat mismo sa pintuan nang office ni ma'am George kung Imagine natin mag katapat lang talaga kami.
"Ash ? ito yong magiging Office mo. Nandiyan natin sa table mo ang mga kilangan mong gawin. Naibigay narin sayo ni ma'am Z yong mga rules and regulations na dapat kilangan mong sundin " tinignan ko naman yong nakalagay sa table at Bago tumingin sa kanya.
" Sense this is your first day. Ipakilala kita sa mga kasamahan natin para naman Indi ka maging uncomfortable dito at baka makahanap ka ng nga bagong mga kaibigan" ngumiti ako sa kanya at tumango.
"sige po"
Pagkatapos akong ipakilala ni sir stevan sa mga ibat ibang department. Yong iba masaya na makilala ako. Yong Iban naman halata mong may ayaw sakin.
Hindi rin naman mawawala yon.
Yong iba nag tatanong kung ano pa daw itsura ni ma'am George. Pero gaya ng rules hindi ko pwedeng sabihin.
Kung hindi pa sila pinigilan ni sir stev siguro nasa tanongan stage parin ako. Ganon ba ka importante sa kanila na malaman kung ano ang itsura niya? Sabagay kung ako din naman ma c-curious.
Nabigla din akong sabihin sakin ni Mr Stev na hindi niyarin daw nakita sa personal si ma'am George. Kasi sa telephone lang daw niya ito nakakusap.
Sinabihan niyarin akong kung ano man ang nakita ko ay wag kong ipagsabi.
Andito ako ngayon sa office ko sinusulat ko yong mga kilangan tandaan dahil sasanayin na ako bukas para sa unang araw kong a-attend ng meeting. Ngayon palang kinakabahan na ako. Hindi ko kasi alam yong mga feeling na makakasama ang mga pinakamayan sa mundo.
Pero sinabi sakin ni sir stev na mag o-observe lang daw ako at e sulat yong mga bagay na importante para may isusulat ako sa report ko kapag hinihingi ni ma'am George.
Tama-tama raw makakarelate ako kasi yun daw ang tintapos Kong kurso.
Busy ako sa pagsusulat ng bigla na lang tumunog ang telepono na nasa likuran ko at umilaw ang line1 ibig sabihin nito si ma'am George yong tumatawag. Kaya sinagot ko ito agad.
" hi-"
"come here " ang sabi niya sabay baba ng tawag.
Tinignan ko yong telephone as if naman andon yong mukha niya.
Bastusan lang?
Napailing-iling na lang ako at agad na tumayo para pumunta ng office niya.
Habang tinatahak ko ang daan patungo sa office ni ma'am George ay siya rin ang bulong-bulongan ng mga kasamahan ko sa trabaho.
Hindi ko na lang pinansin at nag hintay sa labas ng office ni ma'am. Gaya kanina automatic nag bukas yong pintuan niya at agad akong pumasok. Nakita ko siyang nakatutok ang mga mata nito sa harap ng loptop niya at nakakunot ang noo.
B-bakit ang ganda mo?!
" Stop eye f*cking me miss Gonzalez " sabi nito na hindi tumingin sakin . Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. Tinignan lang f*ck agad ? bastos talaga yong bibig nito.
"B-bakit niyo pala at ako pinapatawag ma'am ?"
Huminga ito ng malalim at sumandal sa upuan nito at nag cross leg pa at tumitig sakin. Kaya na conscious naman ako at hindi ko kayang salubongin yong mga titig niya. Para kasi akong hinihila. Nyemas naman. Ang sexy niyang tignan.
"Look at me " malamig niyang sabi. Kaya wala akong nagawang tignan ito. Kita ko naman yong ngisi sa labi niya kaya ako naapiwas ng tingin.
Kahit ngisi lang yon Iniimagine kung nakangiti siya. Kilan ko kayang makitang nakangiti ito? . Ni hindi ko manlang nakitaang ngumiti ito o tumawa laging itong nakakunot ang noo.
"Miss Gonzaga"
Magkasakubong ang kilay.
"Miss Gonzaga"
Laging Galit.
" Miss Gonzaga I swear "
Parang laging may dala-
"Aray" hinimashimas ko naman ang nasasaktan kung braso dahil sa-
"Lebro?" gulat ko sinabi ko kaya tinignan ko siya na nag tataka.
Yong kaninang paghanga ko napalitan ng inis.
"You're spacing out again Miss Gonzaga, I'm f*cking talking to you ayan para naman mahimasmasan ka " bulong niya na sapat lang para marinig ko at Inirapan ako.
Wow? matapos niya akong batuhin tutulogan niya lang ako?
"I'm not sleepy. I'm getting an headache, you squatt "
Mind reader ba siya ? hindi ko naman sinabi huh?!
" I'm not a mind reader. You said it loud . Idiot" Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha yong lebro at binalik sa mesa niya.
Idiot
Squatter
Namumuro na siya.
Hmm kundi lang kita. Ay hindi. hindi. Never. Never.
" Ah ma'am ano nga-"
" quit " irita nitong sabe.
Hindi ko talaga siya maiintindihan. Pinapunta niya ako rito tapos wala naman pala siyang sasabihin. Tapos kung tatanongin 'quit' lang daw. Huh! Grabi , Grabi yong trep ng babae nato.
"m-ma'am kasi may tataposi-"
"let's go somewhere " nagulat akong tumayo ito at kinuha ang bag niyang nasa tabi niya lang at daling-daling tumungo sa pintuan kung san ako laging pumapasok.
"I hate waiting miss Gonzaga" pagalit niyang sinabi kaya dali-dali akong sumunod.
Diba sabi niya. Bawal makita ng iba kung sino siya pero bakit siya lalabas siya ngayon madami pang tao sa labas.
"U'uhm ma'am s-sandali " Bago ko siya mapigilang nakalabas na ito ng pintuan kaya natakot ako baka bigla siyang dumogin. Wow concern?
Paglabas ko nakita ko siyang may tinitignan sa cellphone niya at nilibot ang tingin kosa paligid wala nang tao?
"Get you're things miss Gonzaga It's 6:30 in the evening. You dont know, that working hours?" kunot-noo niyang sabi sakin kaya nakatikim nanaman ako ng nakakamatay na tingin.
Bakit hindi ko manlang namalayan yong oras ? Ganon naba ako kasipag ngayong araw? wow sana all.
Natataranta naman akong umalis na ito sa harap ko. Kaya dali-dali kung tinungo ang office ko at kinuha ang mga gamit ko. At nag lakad ng dali-dali para maabutan si ma'am. Iba talaga pag matangkad ambilis mag lakad.
Nakahalukipkip ito at bored na bored itong nakatingin sakin. Habang nasa loob ng elevator.
Kasalan ko bang nong nag saboy ng mahahabang biyas sa mundo nakatulog ako?
"Ground floor" tipid niyang sabi. Tumango ako kahit hindi niya nakikita busy nanaman kasi to sa cellphone niya. Kaya pinindot ko agad ang ground floor .
Pagdating namin sa ground floor. Sinasulobong kami nang Isang magarang sasakyan at bumaba rito ang isang babae ?
Palinga-linga pa ako baka may taong makakita sa kanya,pero ni Isa wala akong makita.
Weird.
"Hello Georga, Oh Hi? " Bati nito kay miss George at agad na dumapo ang mata nya sakin.
Ang ganda ng mata niya kulay asul.
"Hello my name is Natha-"
"Let's go " agad naman naputol ang pagkakilala nito sakin dahil bigla nag salita si miss geroge.
" Jealous eh " bulong nito na hindi ko naman masyadong narinig
Ngumiti ito sakin kaya kita ko yong mapuputi niyang ngipin.
"Let's go?" tumango ako at agad na sumunod rito.
Pero agad akong napahinto kasi hindi ko alam kung saan ako sasakay sa harap ba o sa likod ?
" sa likod kana sumakay may kasama kasi ako "kaya naman tumango ko rito. Ang hilig nilang mag mind reader pano ba ginagawa yan ?
Binuksan ko ang pintuan sa may likod. Nagulat naman ako na nasa gilid pala si miss George nakaupo.
Kaya dahan-dahan akong umupo at sinarado ko ng maingat ang pintuan para hindi siya magising. Nakapikit kasi ito. Naalala ko tuloy yong sinabi niya na masakit yong ulo niya.
"Anyway My name is Nathalie and this is my wife Alex " Kumaway naman sakin ang pangalan ay Alex. Maganda din siya ang chinita bagay silang dalawa.
" Hello " bati nito sakin kaya ngumiti ako rito at binati din siya ng ' hello. Nakita kopa ang pagkagulat sa mata niya at hindi parin inaalis ang tingin niya sakin. Kaya nahihiya akong nag baba ng tingin.
"Hon. Stop staring at her " saway ni ma'am Nathalie sa kanya na ikinataka ko naman.
" Can't help it she's pretty " napa 'tsk' na lang si ma'am Nathalie at pinaikotan siya ng mata.
Hindi rin naman ako naniniwalang maganda ako.
Hindi naman ako against sa ganitong relationship. Nong una nabigla pakong na mag asawa pala silang dalawa kasi pareho silang maganda. Pero hindi mo talaga ma pipigilan pag tumama na ang pana ni kupido.
"Btw what's your name pala?" ang tanong sakin ni ma'am Natalie.
"Uh'm Ashley po ma'am "
"Oh crap , crop that 'ma'am ' is gross " para itong nandidiri.
Kaya hindi ko mapigilang matawa.
"Uh'm sir ? " ang sabi ko na mas lalo niyang ikinabusangot.
"Oh don't you dare Ashley. " banta nito kaya tawang-tawa sa ma'am alex sa kanya.
"Sige itawa mo lang yan,mamaya ka sakin " Banta nito at bigla naman natahimik si ma'am alex. At umupo ito ng maayos.
"Now you're quite" panunukso ni ma'am Nathalie rito.
Hindi na kumibo si ma'am alex at kita ko naman nag blush ito.
Ang cute nilang dalawa.
Napailing-iling na lang ako at tenuon ang mata sa bintana.
Ngayon ko lang na realize san nga pala kami pupunta ?
Napatingin naman ang tingin ko sa gawi ni ma'am George na ngayon nakatingin sakin?
Inirapan lang ako nito at itenuon sa hawak niyang cellphone.
eh?
Kanina pa ba siya gising o hindi naman talaga siya nakatulog?
"Where here" bigla sigaw ni miss Nathalie na napamulat sakin. Hindi ko na malayang nakatulog pala ako sa byahe. Agad akong napamulat ng mata at tinignan kung nasaan kami.
Beach?
Anong ginagawa namin dito?
"Let's go " excited na sabi ni ma'am alex samin kaya agad na silang bumaba at agad naman akong napatingin sa gilid na walang ma'am George ang nakaupo.
Nakarinig naman ako ng katok mula sa labas at nakita ko si ma'am Nathalie. Kaya dahan dahan kung binuksan yong pintuan para lumabas.
"Hey? are you okay ? " tanong nito sakin kaya ngumiti ako ng tipid.
" o-opo ma'am " nakita ko naman na wala si ma'am alex. Pero nakita ko naman si ma'am George sa likod nito at nag c-cellphone.
" Oh no ash don't call me ma'am I know it's gross just call me Nathalie "
" s-sige po Nathalie " Napataas din yong Isa niyang kilay.
" and crop that 'po' I'm too old " kaya natawa kami parehas.
" Miss Gonzalez follow me " napukaw naman ang attention naming dalawa kay ma'am George na ngayon bored na bored na nakatingin samin at agad na tumalikod at iniwan kami.
" The Geroga ever " hindi ko naman na gets ang sinabi ni Nathalie. Ngumiti lang ito sakin.
" I think you must be followed her now bago mo nakita si santa ng maaga . Bye " Paalam nito at umalis na ikinataka ko.
Santa?
Ano daw?
Dali-dali naman akong sumunod kay ma'am George hirap pa akong maka akyat ng hagdanan kasi naka suot ako ng pencil cut at hindi naman gaanong kataas na doll shoes na kulay black.
Pagpasok ko ng restaurant yes sa tabi ng dagat may restaurant.
Hinanap agad ng mata ko si miss George hindi ko siya makita asan kaya yon ?
Palinga-linga pa ako. Nag lakad ako malapit sa may terrace at doon ko siya nakita habang may Isang baso na alam Kong wine ang laman at may pagkain narin na nakahanda. Hindi niya ako nakikita kasi nakatalikod ito sakin. Nakatuon lang ang tingin nito sa dagat wala rin masyadong tao rito sa terrace.
Hahakbang na sana ako para lapitan siya ng may bigla lalaki ang lumitaw sa harap niya naka ngiti ito ngayon na upod ng tamis.
"Hello George nice meeting you here" bati nong lalaki at agad na kinuha ang kamay ni miss George na nakapatong sa mesa at kiniss ito.
Wala namang reaction yong Isa na parang walang may nangyari.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam sa didbdib ko. Iniwas ko na lang yong tingin ko sa kanilang dalawa at bumalik sa kung saan ako kanina nanggaling.
Pa follow me. Pa follow me pa siyang nalalaman. Heh!
Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko dito sa gilid ng dagat. Sobrang lapit lang nong mga bituin at nang bwan. Grabi ang ganda ng langit. Hindi ko maiwasang hindi naalala si Itay.
Nabuntong hininga ako.
"I told you to follow me why are you even here ?" Naiiritang boses niya ang pumukaw sa natatahimik kong buhay.
Para ano? Makita yong landian niyong dalawa ?
Heh! wag na lang ,sakit niyo sa mata.
" K-kasi hinanap kita pero hindi kita makita ma'am ,akala ko kasi andito ka" pagsisinunaling ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay at tinignan ako ng mariin kaya napaiwas ako ng tingin.
Sana makalusot.
" Let's go " yon lang at nag lakad na ito pabalik. Kaya naman sinundan ko na lang siya . Kahit nakatalikod. Sexy parin.
Ang landi mo ash.
Hindi ko maiwasang napangiti dahil sa mga inisip ko. Hindi ko alam napalakas palayong pagtawa ko kaya hindi ko na malayang huminto na pala ito at humarap sakin kaya hindi ko na control ang sarili ko at napayakap rito.
Naramdaman ko naman ang kakaibang pakiramdam na parang nakukuryente yong mga bulate sa tyan ko kasabay din non ang mabilis na pagkatibok ng puso ko. Ito yong unang beses na nag dikit ang mga balat namin ay hindi yong pagyakap ko sa kanya.
" a-ano " Hindi ko maalis yong tingin ko sa kanya para akong nalulunod. Ganon parin yong tingin niya walang emosyon seryuso lang itong nakatingin din sakin.
"Hello there love birds,the food's is ready" sigaw ni miss alex sa di kalayuan.
Love birds?
Kaya mabilis akong kumalas sa pagyakap sa kanya at kita ko naman ang pag taas nito ng kilay at agad akong tinalikuran.
Narinig ko naman ang bulong nito pero hindi ko maintindihan.
" Idiot "
_____
Follow me for more updates. Chika.