Kasalukuyang nakaupo sila midnight at ang kaibigan nyang si Mildred sa canteen habang hinihintay ni midnight si sage at zian.
"Baks excited kana ba sa darating na graduation natin sa isang linggo?" Si Mildred.
"Sino bang hindi syempre excited ako no."
"Same tayo baks, btw San mo balak mag college?"
"Sa Maynila eh, kukunin ako nila ate sunshine dito after ng graduation."
"Ahh ganun? sayang pala, ako kasi hindi na muna ako mag cocollege alam mo naman para tulungan sila mama."
"May social media naman tayo para makapag usap."
"Sabagay. Oh hayan na pala yung hot at yummy mong besfriend."
Inikutan nya ng mata si Mildred. Parang inasinan ngayon dahil sa sobrang kilig sa besfriend nya.
'Ang gwapo talaga tong si Zian kaya maraming nagkakandarapa eh.'
Isip ni midnight.
Pagkarating ni zian kela midnight agad nyang nginitian si midnight at hinalikan sa gilid ng labi.
Nakasimangot si midnight dahil ang lagkit na ng gilid ng labi nya. Dahil sa kinakain ni zian na lollipop.
"Kanina ka pa?"
"Oo tagal mo ah asaan si sage?" Tanong ni midnight.
"I don't know, sabi lang ni sage may kakausapin lang daw sya hayaan mo muna yun pupunta rin naman yun dito." Ani ni zian at naupo sa tabi ni midnight.
Tumango si midnight sa kanya napatingin ulit si midnight kay zian partikular sa lollipop na subo ni zian.
"Pahingi ako lollipop zian ko." Sabi ni midnight at nag pa cute pa nga. Napailing na lang si zian kay midnight.
'Damn she's cute."
Usal ni zian sa isip.
"Pero wala nag iisa na lang to." At tinuro ang nasa bibig nyang lollipop.
"Eh di yan na lang." Turo ni midnight habang nakanguso sa lollipop na subo nya.
"Pero may laway na ito."
"Hmpp arte mo para kang babae." Ani ni midnight at inirapan si zian at walang kahirap hirap na kinuha ni midnight sa bibig nya ang lollipop.
Napailing na lang si zian kay midnight walang nagawa nung hugutin ang lollipop sa bibig nya. Buti na lang sanay na si zian kay midnight. Kung ibang babae siguro to malamang iisipin nyang nakikipag landi sa kanya si midnight.
"Omg! Bakas!"
"Bakit anyare sayo?"
"Look nag post yung may crush sayo na si shawn."
"Talaga patingin."
Aware naman si midnight kay Shawn na may gusto ito sa kanya. Balak sana manligaw ni shawn kay midnight pero binusted agad ito dahil hindi naman nya gusto si shawn.
May post ito na isang painting na may nakatayong babae habang nakatingin sa kalangitan na madilim at nakatanaw sa buwan habang nasa likod lalaking nakatingin lang sa babae.
'I just want to be the boy you like."
Yan nakalagay sa caption ayaw nyang mag assume pero sa tingin nya sya yun ang tinutukoy sa caption.
"Grabe ka baks ikaw pinaringgan nya."
"Wag kang ano malay mo ibang babae."
"Sure ako no nag comment nga ako na 'baka midnight Yan' then sa lahat nag comment yun lang nireact nya."
"Tsk!" Palatak ni zian.
"Anyare sayo zian?"
"Wala ang tagal naman ni sage."
"Ehem mukhang may nag seselos."
"Ha? Sino nag seselos."
"Wala, ang manhid mo baks."
Inirapan na lang ni midnight si Mildred at bumaling na lang kay zian na ngayon nakasimangot. Napanguso sya dahil hindi nya alam kung anong nangyayari kay zian bat ganiyan mukha. Umiwas na lang sya ng tingin at napatingin sya entrance ng canteen ng pumasok si sage kasunod si pinky na ngayon parang tuko kung maka ano sa braso ni sage napilit naman tinatanggal ni sage ang braso nito.
Napaikot na lang sya ng mata ng nagtama ang paningin nila ni sage. Ewan ba sasarili ni midnight at naiinis sya tuwing may kasamang ibang babae sila sage.
"Kanina pa kayo?"
"Yeah." Simpleng sagot ni zian.
"Hi zian andito ka rin pala." Ani ni pinky. Nagsalubong naman ang kilay ni Zian dahil sa tinatawag sa kanya ni pinky. Samantalang napa ubo si sage at midnight naman nanlaki ang mata.
"Patay." Sabi ni Mildred.
"Do you wanna die woman?" Malamig na sabi ni zian. Literal na tumayo ang balahibo ni midnight dahil sa lamig nitong magsalita.kaya hinawakan nito ang kamay para pakalmahin.
"B-bakit m-may problema ba?"
"Hay nako pinky ayaw ni Hiro tinatawag sya sa first name nya. Kung gusto mo pa mabuhay wag mo ulit babanggitin ang fist name nya." Si Mildred ang sumagot.
"Ohh okay." Alanganin na sagot ni pinky.
"Hey babe bakit kanina mo pa ako iniirapan may ginagawa ba ako?" Ani ni sage at umupo sa kanan nya bale pinag gigitnaan sya ni sage at zian. Umupo naman sa tabi ni Mildred si pinky.
"Ewan ko sayo laurent."
"Galit ka nga." Umirap na lang si midnight.
'Anong kasalanan ko' tanong ni sage kay zian gamit ang mata. Pero ang loko nginisian lang sya at sinabing 'suyo malala ka ngayon.'
"Oyy ano bang ginawa ko babe sorry na kung ano mang ginawa ko."
"Babe? Mag jowa kayo?" Nanlalaki sabi ni pinky.
"Hindi." Sabi ni midnight.
"Zian ko nagugutom na ako kain na tayo sa tapat."
"Sure,"
"Sumunod ka nalang Mildred." Ani ni midnight.
Kukunin na sana ni midnight ang bag ng kinuha nani sage yung bag.
"Ako na mag dadala."
"Okay thanks."
Naglakad na silang tatlo habang nakasunod si Mildred at pinky.
"Sabihin mo Mildred, sino ang boyfriend nya sa dalawa?"
"Wala sa dalawa, sadyang mag besfriend lang sila at close sila."
Daldal nilang dalawa habang nakatingin sa harapan nila na ngayon sinusuyo parin ni sage si midnight. Samantalang si zian napapailing na lang sa dalawa na ngayon nag babangayan na.