chapter 4

737 Words
Habang naghihintay si midnight at sage kay zian na bumibili ng ice cream. "Babe picture tayo." Salita ni midnight kay sage. "Sure babe." Lumapit na nga si sage kay midnight at nag picture na sila. 'Hindi ko alam, may kung anong pumasok sa landian ko, dahil sakto sa last click namin hinalikan ko si sage malapit sa labi nya.'-midnight. Halatang nagulat dun si sage, pero agad din ngumisi. "Eto na ice cream nyo." Napatingin sila kay zian na ngayon dala na icecream. "Zian picture muna tayo." Nag picture na ang dalawa, pagkatapos silang tatlo naman nag picture. Nag sinyasan pa si zian at sage gamit ang mata, hanggang huling click parehas nilang kiniss si midnight sa pisnge nagulat si midnight at namula ang mukha. "Send mo nalang saamin." Bulong ni sage kay midnight. "A-ahhh s-sige." Nauutal na sabi ni midnight. *** Nang makarating na sila midnight sa bahay may narinig sila sa sala ng nagtatawanan. "May bisita ba kayo?" Tanong ni sage. "Meron siguro." Sabi ni midnight. Pagpasok nila sa bahay lumawak ang ngiti ni midnight. "Ate sunshine!" Sigaw nya, at tumakbo palapit kay ate sunshine nya. "Buti dumating ka na middie, kamusta school?" "Okay lang po ate practice na lang po kami," "Na-miss kita ate." "Na-miss din kita." "Asaan si ate storm?" "Nagpaiwan sa Maynila magkita nalang daw kayo dun. may misyon daw kasi." "Ahh ganun ba sayang naman." "Hayaan mona magkikita rin kayo." "Asaan si summer ma?" tanong ni midnight sa ina nya. "Ayun kasama ng tatay mo pinapatulog sa bakuran." Sabat ng nanay ni midnight. "Sige po bihis muna ako ate." "Sige middie." Pagpunta ni midnight sa kwarto agad syang nagbihis. Pag katapos agad syang lumabas at pumunta sa bakuran kung nasaan ang tatay nya at anak nyang si summer. Napangiti si midnight ng makita ang mag lolo. "Tay." Mano ni midnight sa tatay nya. "Kaawaan ka ng dyos." Hinalikan ni midnight ang anak nya sa noo, na ngayun tulog na. "Akin na muna tay si summy sa kwarto ko muna sya." "Oh sige anak magpapakain din kasi ako ng manok." Agad kinuha ni midnight si summy, summy dahil palayaw ito, her real name is, summer Sandoval at 2years old palang ito. Pagpunta ni midnight sa kwarto agad nya itong hiniga sa kama at inayus. Habang pinag mamasdan nya si summy Bigla naman pumasok sa isip nya si Yuan, agad syang nakaramdam ng panginginig at takot ng maalala si Yuan dahilan para maaga syang naging batang ina. "Pangako,sumny proprotektahan kita sa lalaking yun." At nahiga sa tabi ng anak nya. Hindi nya namalayan nakatulog na sya. **** Kinabukasan agad syang nag asikaso dahil mag prapractice na ulit sila ng graduation. "Anong oras uwi mo middie sunduin kita mamaya." Usal ng ate sunshine nya. "Wag mona ako ate sunduin mamaya kasabay ko mamaya sila seb." "Sabihin mo nga middie sino ang gusto mo sa dalawa mong besfriend?" Bigla naman syang namula. "A-ate A-ano ba sinasabi mo?" "Bat ka nauutal middie? At tsaka namumula ka pa." "H-hindi kaya! Bestfriend kolang sila seb." "Talaga ba midnight? Bestfriend lang?" "Oo ate ano pa ba?" "Sayang gusto ko sila para sayo." "Ate talaga." "Anak anjan na sila zian sinusundo ka." Biglang sulpot ng nanay ni midnight. "Sige po, labas na ako ate, nay." Lumapit si midnight sa ate at hinalikan sa pisngi at ng mano sa nanay nya. Pagkarating nya sa labas nandun naabutan nya ang dalawa na naguusap. Hindi nya maiwasan tignan ang kabuuan nila, nakasuot si Sebastian ng tshirt at Jersey short, at si zian naman naka Jersey sando kaya kitang kita nya ang biceps ni zian at itim na short kaya kitang kita nya ang malahibo sa mga binti nya. "Hi." Bati nya sa dalawa pagkarating sa harap nila. Nginitian si midnight ng dalawa at hinalikan nila sa noo. Agad syang kinilig pero hindi nya pinahalata sa dalawa. "Wow kahit simple suot mo ang ganda mo babe." Naka ngiti sabi ni seb. "Tsk! Maganda sya pero ang ikli lang ng short nya kaya kita ang legs nya." "Ano kaba bro syempre practice lang naman mainit eh natural mag shoshort sya at isa pa kasama naman tayong dalawa." "Fine." "Ano ba kayong dalawa halika na kayo malalate pa tayo nyan eh." At kumapit si midnight sa braso nila at hinila na. Napailing nalang si Sunshine dahil sa nasaksihan ng tatlo, hindi naman sya tanga para hindi mahalata na may gusto ang dalawang lalaki sa kapatid nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD