Chapter 9 - Bahala Na Si Batman!

1559 Words

NAGDESISYON ako ng araw na iyon na pumasok. Bahala na kung pagagalitan ako ni Esan. Mag-explain ako para maintindihan niya ang aking sitwasyon. Iniwan ko sandali kay Mela ang bata. Buti na lang at naisalba niya 'yung pera niyang naipon at ibang damit niya. Sa kanya ako humiram ng isang daan pamasahe sa jeep papuntang trabaho. Mahal na kung mag-taxi pa. Kahit papaano, nagpapasalamat ako kay Jayar. Nangangamba man na baka kunin niya ang bata, nagpapasalamat pa rin ako dahil kinupkop niya kami pansamantala at binihisan. Hindi nga ako nagkamali ng inakala. Pagdating ko sa opisina, madilim ang hitsura ni Esan ng mabungaran ko. "Good morning, sir." "Ilang oras na lang, lunch time na. Where have you been? Kung mag-absent ka o kaya'y ma-late ng konti, dapat sinabi mo agad." Nagyuko ako ng ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD