Nagising si Czarist sa malamig na simoy ng hangin. At mga huni ng mga ibong nakadapo sa mga puno. Ramdam niya ang paghaplos ng pang umagang init sa kanyang makinis na balat. Napaigtad siya dahil roon.
Unti-unti niyang minulat ang natural na mapungay at inaantok niyang mata. Habang yakap yakap ang unan. She smiled to herself. Saka gumulong ng dalawang ulit sa kama. Nakagawian niya na itong gawin simula pagkabata. Nagstretching lang siya ng kanyang katawan. Narinig naman niya ang boses ng kanyang lola na inaaya siyang mag umagahan.
"Eloise, apo bumangon ka na. Nakahanda na ang almusal."katok ng kanyang Lola Anastasia. Sila na lamang ng kanyang lola ang magkatuwang sa buhay. Simula ng mamatay ang kanyang magulang noong labing isang taong gulang pa lamang siya. At ang kanyang 75 years old na lola Anastasia nalang ang tumatayong magulang sakanya. Labis na ipinagpapasalamat ng dalaga ang pagpapalaki sakanya ng matanda sa kabila ng hirap ng buhay. At nagawa nitong suportahan ang kanyang pag aaral. Hindi biro ang pinagdaanan nilang maglola sa mga nakalipas na taon.
She's 23 years old right now. Kakabirthday lang niya noong May 5 last year. Hindi magarbo ang kanyang pagdiriwang noon. Pero masaya siyang nakalagpas sa ganoon dahil hindi lahat ay naabot ang buhay hanggang bente-tres anyos.
"opo! Saglit lamang lola. Give me 5 minutes."aniya sa masiglang tono. Hindi na nagsalita pa ang Lola Anastasia niya. At narinig niya ang mabagal nitong yabag pababa ng hagdan ng kanilang bahay.
She really love her grandma. At ganoon din ang Lola niya sakanya. Napakasuwerte niya dahil meron siyang Lola Anastasia na maalaga at mapagmahal. Kaya sobra ang effort niya sa pagtatrabaho sa isang coffee shop dito sakanilang lugar. Isa iyong Souvenir shop at pasalubong na kape ang kanilang produkto. Malayo sila sa syudad ng London. Kaya walang masyadong ibang available na trabaho siyang pwedeng pasukan. Pero sapat na ang sinasahod niya para maiahon sila sa hirap at may makain sa araw araw. Kumpara na wala siyang trabaho. Mas marami sanang magandang oportunidad kung makakapagtrabaho siya sa mga Factory o malalaking kompanya.
Kung hindi lamang kelangan ng Lola niya ng makakasama sa bahay at kung kaya lamang nitong bumyahe sa malayo ay wala na sanang problema. Ayaw naman niyang maiwanan itong mag isa lalo na at may edad na ang matanda.
Laging sinasabi sakanya ng Lola niya na "ayos lamang ako dito. Maari ka namang magtrabaho sa syudad. Huwag mo na akong intindihin pa. Kaya ko pa naman ang sarili ko. May magandang kinabukasang naghihintay sayo roon. Simulan mo na ang iyong pangarap." Dahil sa sobrang pag aalala at pagmamahal niya sakanyang lola ay nangako siyang hindi niya ito iiwanang mag isa. Kaya wala na ring nagawa ang Lola niya ng sabihin niyang sa coffee shop na siya magtatrabaho. Gusto niya talagang bumawi rito. Sa lahat ng sakripisyo at effort na inilaan nito para sakanila.
Czarist Eloise Gensan is beautiful with the brains. Sadyang slow lang siya at hindi pa mulat sa modernong pananamit at kaugalian ng mga tao sa London. Her parents died when She's 11 years old sa isang sunog sa Manila, Philippines. Doon na rin nawala ang pinaghirapan ng kanyang mga magulang. Kaya wala siyang namana na kahit anong ari-arian at ni kusing dahil nakasama sa sunog ang lahat ng dokumento na alam niyang may kinalaman sakanilang yaman na ninakaw sakanila.
The Duckerford Family is their family business partner. At naniniwala siyang ito ang may kagagawan ng sunog at pagnanakaw ng kanilang dokumento.
Kaso sa kahirapan ay hindi niya magawang bawiin ang kanilang kompanya sa syudad. Wala siyang magawa para harapin ang mga ito at mabigyan ng hustisya ang trahedyang sinapit ng kanilang pamilya. She felt hopeless and devastated.
Nalulungkot na lamang siya sa nangyayari sakanya at sakanyang Lola. Sobrang hirap ng buhay. Wala siyang ibang ginagawa tuwing day off niya kundi ang magtanim ng gulay at prutas. Para ibenta ang bunga kapag wala siyang pasok. Sa kabutihan ng Panginoon ay meron namang lupain ang kanyang Lola Anastasia na pag mamay ari pa ng kanilang yumaong Lolo Gardo.
At doon siya nagtatanim na sakanilang malawak na lupain ng mga prutas gaya ng mango, grapes, orange, apple, suha, pineapple at watermelon. At iba't ibang klase ng gulay na inaangkat niya sa Syudad.
Sobrang sipag ni Czarist kaya ngayon hindi na sila masyadong naghihirap dahil madiskarte siya sa buhay. Dahil din sa pamana ng kanyang Lolo Gardo, nakapagtapos siya sa Kolehiyo ng kursong Business Management at nakapasa siya sa Board Exam bilang Marketing Professional.
Kaya sobra ang panghihinayang ng Lola niya sa natapos niya. Ramdam din ni Lola Anastasia na konti nalang ang ilalagi niya sa mundo kung kaya't hindi na rin siya nakipagtalo sa apo. Gusto na lamang niyang makasama ito sa mga nalalabi niyang oras. Walang kaalam alam si Czarist na umaatake na ang Asthma at Rayuma ng Lola niya dahil magaling magtago ang kanyang Lola. Maging ang malabo nitong mata ay di niya masyadong iniinda. Para lamang hindi mag alala ng todo ang apo.
Matapos mahulasan ni Czarist sa antok ay agad siyang bumangon para mag unat at itali ang kanyang mahabang buhok. Hinawi na rin niya ang kurtina at binuksan ng malaki ang bintana para makapasok ang sariwang hangin. Amoy na amoy sa baba ang mabangong aroma kanyang pananim na Orchids. She smiled because of it. Saka sinuot ang tsinelas bago naglakad palabas ng kwarto patungo sa kusina para kumain. Nandoon na ang kanyang Lola Anastasia kasama ang alaga nilang pomeranian na si Yoko. Her bestfriend-Yuki gave it last year nung birthday niya. Taga syudad si Yuki kaya napapadpad siya doon kung minsan. Dahil mas madalas tumambay si Yuki sa bahay nila. Half American Half Japanese ang kaibigan. Mayaman ito. Pero nanatiling lowkey. Nagkakilala sila noong 5 years old silang dalawa dahil magbusiness partners ang magulang nila na Childhood friends din. Yuki's mother is american while her father is a pure Japanese. They owned a lot of Automotive and Electronics company in Japan and Philippines. Yuki is an only child kaya sobrang protective ng magulang nito.
"kumain ka ng marami. Anong oras ang pasok mo ngayon?"tanong ng Lola niya sakanya. Uminom muna ng gatas si Czarist bago sumagot.
"Mamaya pang 10, grandma. Change shift na kami ngayon."aniya saka pinagpatuloy ang pagkain. Although she's a heavy eater hindi siya tumataba nanatiling slim ang katawan niya. Siguro dahil pure blooded British siya.
Tumango tango ang lola niya habang umiinom ng kape.
"Anong oras ka uuwi? Mauuna na akong matulog."ani Lola Anastasia habang nakain ng tinapay. Tumango naman siya sa sinabi nuto.
"Mamaya pa sigurong 8pm, grandma. Nga pala, bukas daw pupunta si Yuki dito. Namiss niya daw po kayo sabi niya sakin kagahapon."aniya saka tinapos ang pagkain. Magbubukas pa kasi siya ng Laptop para mang alok ng mga binebenta niyang skincare products na siya mismo ang gumawa pati pabangong gawa sa tanim niyang orchids. Nakatulong ang business management niyang course sa pag aadvertise at pag oonline selling niya. Kumikita siya ng malaki roon. Kaya hindi niya mapigilan ang sariling sumideline.
"Dapat nagdahan dahan ka sa pagkain, apo. Masama din ang sobrang nagmamadali."paalala ng kanyang Lola na nginitian niya lamang. Tapos na rin namang mag almusal ang Lola niya. Sinipat niya ang orasan, alas otso na pala ng umaga. Meron na lamang siyang dalawang oras para magtinda at mag handa para sa pagpasok.
Dahil sa pagtitinda ay nakakaipon siya ng malaki na nakakatulong sakanilang pangkabuhayang maglola. Nagluluto naman ang Lola Anastasia niya ng ulam at delicacies na madalas nitong ilako sa kanilang lugar. Masarap magluto ang Lola niya kaya laging ubos ang tinda nito. Marami rin itong nagiging suki dahil nadadaan ng matanda sa salestalk. Bukod sa masarap ang mga gawa nito ay sadyang mabait ang matanda kaya kinagigiliwan siya ng lahat ng customer.
Naging panatag naman ang loob ni Czarist dahil safe naman ang matanda sa pagtitinda at hindi naman ito nahihirapan sa ginagawa lalo na at madalas niya itong tulungan kapag wala siyang masyadong inaasikaso.
Matapos niyang mag alok ng kanyang mga produkto ay nagsimula na siyang mag asikao ng sarili para sa pagpasok sa Coffee Shop.
Bago siya pumasok ay sinipat muna niya ang kanyang social media account at gaya ng inaasahan. Best seller nanaman ang kanyang prinopromote. Tuwang tuwa siya sa kanyang nakita. Napatalon siya sa tuwa at agad na nagreply sa mga customer na panay ang sabing bibili sila ng kanyang paninda. Kadalasan ay 500-1000 ang taong umoorder sakanya. Ngayon ay lumagpas iyon sa bilang na inaasahan niya. Marahil ay dahil nahiyang ang mga ito sa ginawa niya kaya nirecommend iyon sa mga kakilala o kaibigan. Marami rin kasing nagsheshare ng post niya at nabili ulit. Binabalik-balikan iyon ng mga tao dahil sa walang side effects at organic. Mabango at long lasting. Maganda rin ang klase ng produkto. Kaya naman aasikasuhin niya iyon agad mamayang gabi paglabas niya sa trabaho. O di kaya ay magdeday off muna siya dahil sobra talagang dami ng mga order. Sayang naman kung hindi niya magagawa iyon. Mas malaki ang kikitain niya sa business kesa sa pagpasok sa coffee shop.
Kaya naman imbes na pumasok ay nagsabi na lamang siyang hindi muna makakapasok ngayong araw dahil madaming umorder sakanya ng skincare at pabango. Pre-order iyon kaya aabutin ng 7 days bago dumating sa customer. Kaya mas mainam na rin na magfocus siya sa pag gagawa ng mga iyon. Naiintindihan naman ng kanyang manager ang sitwasyon ni Czarist kaya hindi ito tumutol sa kanyang hindi pagpasok. Sinabi niya kasi ang totoo na madaming umorder ng kanyang produkto. Alam ng Manager at ng mga kasamahan niha ang estado ng kanilang buhay maglola. Kaya nakaramdam ang mga ito ng simpatya at awa sakanila.
Nang makausap ang Manager sa cellphone ay agad siyang kumilos para ihanda ang mga ingredients sa pag gagawa niya ng kanyang skincare products. Masyadong madami ang kanyang pa order. Kaya kailangang ayusin ang ginagawa at makapagfocus roon magdamag.
Nakapag simula na si Czarist at masaya siyang nag gawa ng lipstick, lip tint, pabango, face powder, cream, toner, at iba pa. Sobrang abala siya doon at wala namang nang iistorbo sakanya. Kaya matagumpay niyang natapos ang kalahati ng order. Dumating naman ang kanyang Lola Anastasia at nagulat ito ng madatnan siya sa kanilang bahay.
"Mano po, lola." aniya saka nagmano sa matanda. Mababakasan ng gulat ang muka ng matanda.
"Tila kay aga mo yata ngayon, apo. Alas tres pa lamang ng hapon." ani ng Matanda habang ibinaba ang bayong at bilao na pinaglagyan ng ulam at kakanin na paninda nito. Nakaubos ang lola niya ng paninda at masaya siyang nakauwi ito ng maaga. Nakapagluto na rin siya ng kanilang tanghalian kaya walang problema.
"Hindi po muna ako pumasok ngayon, lola. Aasikasuhin ko po ang aking munting business. Lagpas po kasi ng isang libo ang aking paorder. Sayang naman po iyon kung hindi ko magagawa. Malaki rin ang kikitain ko doon kumpara sa pagpasok sa coffee shop. Pinayagan naman ho ako ng aking Manager." paliwanag ko rito na siyang kinatango lamang niya. She smiled at me saka naupo sa bakanteng silya. Inabutan niya naman ito ng maiinom na tubig.
Mamaya nalamang niya itutuloy ang kanyang ginagawa. Minabuti muna nilang kumain. Ipinagluto niya ito ng gulay at karne. Nakasanayan na kasi nilang kumain ng kanin na pinaparisan ng gulay at karne. Masaya silang nagkuwentuhan ng kanyang lola. After nila kumain ay siya na ang nag asikaso ng ligpitin. Hinayaan na niya itong magpahinga sa kanyang silid. Nagfocus naman sjya sakanyang ginagawa kanina para makatapos agad siya ngayong araw. Inabot lamang siya ng alas tres ng madaling araw sa dami ng kanyang ginawa. Pero alam niyang sulit lahat ng pagod niya dahil pwede na niyang ipadeliver iyon sa mga susunod na araw. May natira pa siyang gagawin na 500+ bukas na lamang niya iyon itutuloy pagkagaling sa trabaho.
Minessage na niya ang courier na nagdedeliver ng kanyang produkto para sabihin na magpapadeliver siya ng kanyang products. Nagkasundo naman sila sa presyo ng delivery fee. Matagal na rin niya iyong kakilala kaya mabait ito sakanya. Wala naman siyang nagiging problema sa paraan nito ng pagdedeliver ng product. Safe iyon at walang damage na nadating sa customer.
Matapos makipag usap ay agad na bumagsak ang kanyang katawan sa malambot na kama. Mabuti na lamang at tuwing alas 10 pa ng umaga ang kanilang pasok kung hindi ay kawawa siya. Sigurado naman siyang gigisingin siya ng kanyang Lola Anastasia.
Ginising nga siya nito.