Chapter 13

2128 Words

PAKIRAMDAM ni Jake ay may namuong bara sa kanyang lalamunan nang makita ang anak sa hardin ng bahay ni Lea. Tahimik ito at para bang napakalayo ng tingin habang pilit itong kinakausap ng ina nito. Simula nang mailabas ito sa ospital mahigit dalawang linggo na ang nakararaan ay hindi pa rin ito nagsasalita. Ayon sa doktor ay wala namang napinsala sa ulo nito. Pero malaki daw ang posibilidad na na-trauma ang bata sa nangyari kaya ito nagkakaganoon.      But Jake knew better. It was because of him.      It had always been because of him.      Alam niyang kung hindi lang dahil kay Janna ay ipina-ban na siya ni Lea sa village na iyon. Marahas siyang napabuga ng hininga. Kahit paano ay malaki ang pagpapasalamat niyang palapit na ang summer break nina Janna sa eskwela nang mangyari ang inside

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD