12

2957 Words
Chapter 12 "Can you pass me the palette please?" Utos ko sa kaibigan. Before proceeding to the bar, we stopped by for a couple minutes sa bahay nila para magbihis, just like planned. I took the eyeshadow palette from her at sinimulan nang maglagay ng heavy eye makeup. I went with dark shades and some purple shimmers forming a smokey eye. I was applying my lipstick nang dumako ang tingin ko sa repleksyon ni yassy sa salamin. Unlike us, hindi siya naglagay ng kolorete sa mukha. I mean she did but just a simple press powder and lipgloss. She was just patiently waiting for us in the sofa of tas' room. "Tapos ka na? Okay ka na diyan?" Tingin ko sa repleksyon niya. Tumingin siya sa'kin at inosente na tinuro ang sarili. "Oo, ikaw. Are you good with your make up?" "Ah oo. Ayoko din nang masyadong madaming nilalagay. Alam mo namang nabibigatan ako" Narinig kong tumawa ang kapatid niya sa gilid ko. Tas was applying mascara . "Hayaan mo na siya. Hindi mo din naman yan mapipilit eh. By now, dapat alam mo na yun" "Alam ko naman yun. Pero..she can always look better than that" simangot ko. "I know right" bahagyang lumapit siya sakin at bumulong. "Tingnan mo nga oh. Kanina pa yan hindi mapakali sa suot niya. Kung hindi ko pa yan pinilit, hindi pa niya susuotin iyang binili ko para sa kaniya" she whispered. At liningon ko nga si yassy. At tama nga si tas, hindi siya mapakali sa paghila pataas ng tube two-piece dress na suot niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagsuot ng ganiyan since the day we became friends. No doubt, she looks hot. "Stop doing that!" Hampas ko sa kamay niya nang pababa na kami. "I think it's not the right size for me. Tingnan mo nga, mamaya kita na yung boobs ko" ngiwi niya. "Gaga! Ganiyan talaga yan! Wag ka nga! Tsaka, talagang luluwa yang boobs mo dahil sa kakahila mo. Kaya tigilan mo yan!" It was her sister. Sumakay na kami sa kanilang sasakyan. And while we were being drove, napansin ko na may dalawa pang sasakyan na nakasunod sa amin kanina pa. It was not just a coincidence tho dahil taga liko namin ay lumiliko din sila. But thinking that it was those four men my jerk of a fiancé hired for me, hindi ako nabahala. Bumaba na kami sa sasakyan at agad kong narinig ang malakas na tugtog galing sa loob. As we were about to ascend towards the entrance, may pumigil sa akin sa pamamagitan ng pagharang ng kamay nito sa harapan ko. Sinundan ko iyon ng tingin at napag alaman kong isa iyon sa mga bodyguard. Tumaas ang kilay ko. "Yes? What is it? Can you please get your hands out of my way?" Pagmamaldita ko. "I'm afraid you can't come in there ma'am" he said in a professional tone. I was even surprised that he speaks English fluently. "And why not?!" Humalukipkip ako. "Inutusan ka ba ng amo mo na pauwiin ako!?" Liningon niya ang mga kasamahan niya. Lumapit ang mga ito sa akin kaya bahagyang napaatras ako. Nanliit ang mga mata ko. "Stop that! Hindi ako uuwi okay?! Ito—ito ang sabihin niyo sa amo niyo ha?!" Tinuro ko sila isa-isa. "hindi ako uuwi! Na hindi ako sasama sa kaniya mag dinner! Na mag dinner siya mag-isa niya o kaya yayain niya yung isa sa mga babae niya dahil madami naman siya no'n!" Dumilim ang paningin ko nang maalala ang mukha ng melissa na yun. "Hindi niyo ako mapipilit! Papasok ako doon.." turo ko sa bar. "I will party and do whatever the f**k i want. Hindi niya ako mapipigilan!" Napatihimik sila kaya i grabbed the opportunity para hilahin ang mga kaibigan ko papasok sa bar. The bouncer seemed to recognize our faces kaya hindi na kami pinapila. Ikaw ba naman araw-araw dito noon? As we entered, we were welcomed by the harsh party lights and the strong smell of cigarettes mixed with liquors. The loud echo of the music plus the chitchats and laughters of the people filled my ears. Nahirapan pa kaming maglakad papuntang table namin dahil sa dami ng tao. After sweating ourselves, nakarating na nga kami. Sinalubong kami ng iba pang mga kaibigan ni tas, siguro mga siyam sila. There were three boys and the rest were all girls. At dahil hindi ko naman sila gaanong close, tahimik na umupo na lang ako sa isang gilid. I smiled at those who did the same to me. I didn't bother to interact with them. I don't know but they're to loud for me, and i don't like it. Tuwing lumalabas kami at magparty, kami lang tatlo. Now is different dahil siguro ininvite sila ni tas. I let her be since araw naman niya 'to. Umupo na din si yassy sa tabi ko pagkatapos siyang makipag kamusta sa mga kaibigan ng kakambal niya. They also greeted her since tas was not the only one who's the celebrant. Napansin kong nakapag order na din sila kaya kinuha ko yung isang vodka na hindi pa nabubuksan at nilagyan ang baso ko. As i drank the whole thing, i felt the hard liquor traveled down my throat, leaving a bitter and hot sensation as an aftereffect. Napangiwi ako at napainom ng chaser. Dahil busy pa sa pagchichikahan ang bwesit na si tas. Tahimik lamang kami ng kapatid niya sa isang sulok. Hindi ko naman mayayang sumayaw ang isang 'to dahil sigurado akong tatanggi. Every time we go to clubs, siya lang ang hindi gaanong umiinom at sumasabay kaya sa huli ay siya ang nagsisilbing driver at nag-aalalay samin. I looked at the dance floor, it was tempting pero hindi pa ako lasing kaya napagdesisyunan kong uminom muna ng madami bago sumayaw. For the third time, i harshly put down the shot gloss on the table, earning a loud thud. "Maghinay-hinay ka siguro muna zeph since ang aga pa naman?" bulong ni yas sa gilid ko. Hindi ko siya pinakinggan at uminom ulit sa ikaapat na pagkakataon. As i put down the glass, i heard someone whistled sexually on the other side of the couch. Dumako ang tingin ko sa lalaking maangas na nakasandal sa isang gilid, unlike sa mga kasamahan niya na hindi pa umuupo dahil busy sa pag-uusap, siya ay prenteng nakaupo na tila kanina pa kami pinagmamasdan, kamay ay nakapahinga sa magkabilang tuhod, leaning. "For a tiny woman, you sure do know how to swallow" he then licked his lower lips. Awtomatikong tumaas ang aking kilay. Narinig ko naman ang pagsinghap ng kaibigan ko. "Mind your own goddamn business and stop staring at us. You pervert!" i snapped. Tumaas ang gilid ng labi niya dahil sa pagtataray ko. "Damn girl, you're feisty" "I will show you how feisty i can be if you won't stop talking." Warning ko at lumagok ulit ng alak. Napatahimik siya ng ilang segundo bago sumandal sa kinauupuan at tinitigan akong mabuti. "I'm josh...And I'm single." Napairap ako. Hindi talaga siya titigil sa pagsasalita? Isn't he aware na hindi ako nagagandahan sa boses niya? Imbes ay naiirita ako. "Do i look like i care? Tinanong ba kita?" "Hindi, pero baka gusto mo lang malaman. Alam kong naku curious ka na, nahihiya ka lang magtanong" aniya tsaka kumindat. Umaawang ang labi ko sa kahanginang taglay niya. I scoffed at umiling-iling. Hindi ko na pinansin. Nakipag-usap na lang ako kay yassy para hindi niya na ako kausapin. Maya't-maya pa ay umupo na sila tas at nagsimula nang mag-inuman. Even so, hindi naman ako sumali sa kanila at parang may sariling mundo lalo na't nakipag-usap at tumatawa na din si yas kasama nila. I looked like a f*****g trespasser in their gang! Napatingin ako sa phone ko nang biglang tumunog iyon. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang mensahe galing kay kage. "Where are you?" That was the message he sent. "Sa bahay" i replied Maya't-maya pa ay nag ring ang phone ko simbulo na tumatawag siya. Umirap ako sa hangin bago sinagot iyon. [don't lie baby. I know where you are. I have guards following you.] "Eh alam mo naman pala eh! Bakit ka pa nagtatanong!? Bopols ka ba!" Sigaw ko dahil hindi kami masyadong magkarinigan dahil sa lakas ng tugtog. [i don't know what that is but I'm certain that you're still mad at me. So please, go home then we'll talk things out] aniya sa masuyong boses. "Hindi ako galit, at bakit naman ako magagalit? Dahil lang ba sa melissa na yun na mukhang rag doll dahil sa kapal ng make up!? Hell no!" Ilang segundo siya natahimik sa kabilang linya. Tiningnan ko pa ang screen ng cellphone ko para masiguradong hindi namatay yung tawag. [you're jealous] Nagulat ako sa sinabi niya. Bahagya pang umawang ang mga labi ko. I uncomfortably shifted on my sit. "A-ano? Nagpapatawa ka ba!? I'm not jealous!" I laughed awkwardly. "At bakit naman ako magseselos!?" He sexily chuckled on the other line making my cheeks flushed. [i'm not the one who mentioned names baby, you did] Ano?! Totoo naman diba? Na ang melissa na yun ang dahilan ng pag-aaway namin? And then it hit me. Napasapo ako sa noo. Oo nga naman zeph, kung si melissa ang dahilan, eh bakit ka nagagalit? Unless.. "H-heh!" The last thing i said before ending the call. My eyes roamed around our table for some liquor at ang boteng kanina ay kinukuhanan ko ay ubos na. Teka? Kanina madami pang laman 'to ah? awtomatikong dumako ang tingin ko sa dalawang babae na walang malay na nagtatawan sa aking kanan. Thinking that they were the culprits, i glared at them. I rose from my seat and the only person who noticed was yassy. "Saan ka pupunta?" "Bibili ng inumin" "Huh?" Takang tanong niya. "Eh madami pa dun oh! Ubusin muna natin 'yon." Turo niya. Ngumuso ako nang makita na ang ibang mga inumin ay nandon sa side ng bastos na lalaki kaya hindi na ako nag-abalang abutin 'yon. "Wag na. Bibili na lang ako. Sandali lang 'to promise" ani ko at umalis na. I walked past the crowd, bahagya pang nahirapan dahil sa stiletto na suot. When i arrived at the bar section, umorder agad ako. While waiting, ilalabas ko na sana ang phone para mag check ng message nang may naramdaman akong umupo sa katabi kong upuan. The strong unsatisfying smell of his perfume filled my nose. Napangiwi ako. I strongly exhaled the smell from my nose making a harsh sound. A familiar chuckle then followed. "Anong ginagawa mo dito? Sinundan mo ba ako?" Hindi makapaniwala kong saad. The man in front of me smirked. "Hi there pretty. Sorry at hindi agad ako nakalapit sayo kanina. My friends would be teasing me non stop if they saw me advancing moves on you" "It's perfectly fine. No problem." Sadyang hindi niya siguro napansin ang sarkastiko na nabilang sa boses ko kaya ngumisi siya ng nakakatakot. Nagulat ako nang sinubukan niyang hawakan ang binti ko, mabuti na lang ay mabilis ko iyong naialis. "What the f**k are you doing? You pervert! Don't touch me!" May diin sa boses ko. Sinandal niya ang kanang braso sa counter at pinatong ang ulo sa kamay. He watched me intently as he tried to make a move at me again. He touched me by my hair, slowly and sensually. Tumindig ang balahibo ko. Napatalon ako ng bahagya nang lumapit siya sa akin at bumulong. "Do you wanna go somewhere fun?" Nanginginig ang buong katawan dahil sa galit, hinampas ko ang kamay niya. Kung holdaper 'to siguro matatakot pa ako. But since his just a horny pervert, kaya ko siyang sagot-sagutin. "Aling parte ba ng don't touch me ang hindi mo maintindihan ha!?" Napatingin na ang ibang server dahil sa sigaw ko. "Wag mo ulit gawin iyon kung ayaw mong ipahila kita palabas!" His smirk widen. "You're a little girl, what strength do you have against me? Come on, wag ka nang pakipot. I know you want me too" "Sabi ng—i have my private bodyguards with me you asshole!" He doesn't seem fazed dahil nang dumating ang order ko ay sinubukan kong umalis pero dahil nakaharang siya sa daanan ko ay hinawakan niya ang beywang ko para mahila ako pabalik. Sa lakas ng paghila niya ay gumewang-gewang ako at nawalan ng balanse sa sariling heels. I was readying myself for a painful fall but it never came. Instead, i felt a strong masculine arm holding me by the waist, preventing me from making a scene. The pervert's smelly perfume were replaced with a new and familiar one. It made me feel at ease. Tinaas ko ang tingin ko at sinalubong iyon ng namumulang mata ni kage. It's as if his eyes were telling me that he's angry for something. "Are you okay? Nasaktan ka ba?" His deep whispers made my head nod automatically. Tsaka ko na lang naramdaman ang sakit sa aking paa. Napatingin ako doon at nakita kong namumula iyon, natapilok kasi ako. Nagulat ako at bahagyang napasinghap ng bigla akong binuhat ni kage at pinaupo sa upuan ko kanina. Lumuhod siya at tinanggal ang aking sapatos. Napakagat ako sa sariling labi nang makitang inenspeksyon niya iyon. Bahagya niyang pang minamasahe at nagdulot iyon ng pagtaas ng aking balahibo. When i lifted my gaze, i saw kage's hired men helding the helpless and terrified pervert on both hands. Like a nerd high school boy ready to get bullied. "Tama na nga yan kage! Okay lang ako. Tumayo ka na diyan" utos ko and kage do as i pleased. He held me by the chin. "I told the guards to not let you in wearing this kind of clothes. But you still did" he rubbed my cheeks using his thumb. Nakatitig lamang ako sa mata niya na tila nanghihipnotismo. "You're so stubborn! Nabastos ka tuloy." "Wala silang sinabing ganyan" Kumunot ang noo niya. I giggled because of his cuteness. "They didn't? But i told them to—" "Wala nga." At sumagi sa isip ko ang nangyari kanina, ang pagharang nila. Wait? Kaya ba nila ako hinarang? Dahil yon yung dapat ibibilin nila? "And if they did, sususwayin ko din naman sila. Tutuloy pa din ako. So it's not their fault. Wag mo silang pagalitan. Do you know who's really at fault here?" He just stared at me. "Him" turo ko sa lalaki. Lumingon din siya. "A woman's clothing is never the problem, kung bastos ang isang lalaki, manghahalay at manghahalay talaga 'yan. Bakit? Nang makita mong nakasuot ako ng ganito, do you felt the urge of disrespecting me?" Bumaba ang tingin niya sa suot kong dress na may mahabang slit, hapit na hapit iyon sa aking katawan. Then he shook his head. "See? Do you get my point?" I whispered. "A decency and respectful traits of a guy is what makes him a true man" i brushed his hair. He stared at me intently for a couple of seconds before sighing. Tinalikuran niya ako at hinarap ang lalaki na nakakuyom ang kamao, showing the vein on his hands. Napakagat ako sa pang ibabang labi. Damn! "Bitawan niyo nga ako! Sino ba kayo? Bakit ba kayo nangingialam ha!?" the man called josh shouted. Kage just remained silent. If looks can kill, i'd wager that josh was already dead. "I should be the one asking you that damn question! Who do you think you are!?" Bahagyang napatalon ako sa kinauupuan dahil sa malalim niyang sigaw. Dahil doon ay ang ibang mga tao sa loob ng bar ay napatingin na din sa banda namin. Nagsimula na silang makiusyoso. "Saan banda mo pa siya hinawakan ha!? Why were you making advances at her! Who gave you the f*****g right to touch her!?" "Ano bang pakialam mo! Ano ka ba niya? She's my girl! She came here with me, so she's gonna leave with me! And i can do whatever the f**k i want with her!" He shouted back. Oops! Bad move buddy. Napatakip ako sa bibig ng bigla na lang siyang inambahan ng suntok ni kage. I was shocked to see him so violent for the first time.Napasinghap din ang mga taong nakikinig. "f**k man!? f**k!" Kaya kahit na sumasakit pa yung paa ko ay bumaba ako sa mataas na upuan para daluhan si kage. Hinawakan ko ang braso niya at minasa masahe iyon para pakalmahin. "Tama na yan. Let's just go" "How dare you call my woman your girl you f*****g bastard! I will f*****g kill you!" "Kage pleas—" "What is happening here? Wait—Josh!?" Napasinghap sila tas ng makita ang kaibigan na nasa sahig. "Josh! Oh my god!" Dinaluhan siya ng babaeng kasama din namin kanina."What the f**k is happening! Who did this to you?!" Tumingin ng matalim si josh kay kage kaya napatingin na din yung iba sa kaniya. "Kage, halika na—" "Kage?! This is kage?" Lumapit ang dalawa kong kaibigan sa amin. Tila nawala ang pakialam dun sa josh. Takang Tumingin naman ang lalaking katabi ko sa akin. I looked at yassy at pinanliitan niya ako ng mata habang nakangisi. "I think i know what just happened here" "Well I don't know what's happening here! Will you please explain to me why my boyfriend is on the floor with a swollen lip?! And who are these men?" Napaawang ang mga labi ko. Nagkatinginan kami ni kage na parang pareho ang iniisip. "Boyfriend?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes! He's my boyfriend!" "Well ms, your boyfriend just claimed a while ago that my fiancé is his girl" kage stated with jaw clenched. Natigilan ang babae. "W-what? S-she's your fiancé? You're getting married?" I secretly rolled my eyes. I don't know if she just asked the wrong question, isn't she supposed to be shocked na lumalandi ang boyfriend niya sa akin? well, ano pa nga ba ang inaasahan ko? Nakatanga na kay kage eh. Bumaba ang tingin ng babae sa daliri ko. Huli na para itago iyon. Oh boy, here we go again! "Are you both really engaged? I don't see a ring on her finger." Halukipkip niya. I was ready to yell at her about how a meddler she is nang kunin ni kage ang kamay ko at naramdaman ko na lang na may malamig na bagay na nakasuot sa daliri ko. When i looked at it, i was shocked to see a ring, a beautiful, unique ring. Napasinghap ako. "Now she does" ani ni kage bago ako hinila palabas ng bar na yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD