Andy's POV
Kring... Kring.. Kring..
Nagumpisa ng magalarm ang alarm clock ko. Hayy makabangon na nga at malelate nanaman ako sa trabaho kapag di pa ako sinipag bumangon ngayon.
5 am ako nagising ngayon, ako na ang nagluto at naghanda ng makakain namin ni Tatay kasi alam kong papasok din siya sa trabaho bilang Taxi Driver. Hindi ko nga alam dito sa tatay ko at nagtatrabaho pa samantalang malaki din naman na ang sinasahod ko sa Kumpanyang pinapasukan ko. Malaki kaya iyon at madaming gustong makapasok doon. Pero dahil matalino ako at subsob sa trabaho, habang nagO-ojt ako. Sinabihan na ako na doon na daw ako magtrabaho dahil sayang daw baka makuha pa daw ako ng ibang kumpanya. Simula noong kumikita na ako ng malaki e lumipat na kami sa Condominium. Mas gusto ko kasi na dito na kami tumira ni tatay mas convenient pero si tatay ayaw dito.
Maya maya pa narinig ko na ang mga yapak ni Tatay papunta dito sa Kusina dahil naaamoy na niya ang masarap na niluluto kong fried rice at tinapa.
Katamtaman lang talaga ang pagkain namin ni tatay hindi kasi kami sanay sa marangyang buhay kahit malaki na ang sinasahod ko gusto ko tamang pamumuhay pa din ang mayroon kami.
"Tatay! Magandang umaga, ang aga niyo po ngayon ah?" niyakap ko siya sabay halik sa pisngi niya.
"Hay nako anak, kailangan daw ako ngayon ng operator ng taxi at nasira daw ang taxi na pinasada ko kahapon." malungkot na saad ni tatay. Paniguradong sinisisi nanaman siya ng operator sa pagkasira ng taxi na pinasada niya kahapon samantalang si lang naman siya ang may hawak noon. Nagsa cycle kasi sila doon ay iba iba ang hinahawakan ni tatay na modelo ng sasakyan.
"Nako tay baka masermonan nanaman kayo ng matabang panget na operator niyo! Bakit kasi ayaw nyo pang tumigil sa kakatrabaho tay? Malaki na ako oh. Ang laki laki na din ng sinasahod ko sa Kumpanyang pinapasukan ko pero heto kayo, panay pa din ang kayod." Mahinahon kong sabi sa kanya. Ayoko siyang maoffend gaying tumatanda na si Tatay at medyo nagiging sensitibo din ito sa mga bagay bagay.
"Anak, alam mo naman ang tatay, sanay ng may ginagawa. Ayaw ko na tumambay lang dito sa bahay natin. Nakakaburyong magisa." Sabi nito habang naglalagay ng sinangag na niluto ko sa kanyang plato.
"Hay nako tatay talaga! Halika nga dito tay! Pakiss!" Habang niyakap ko si Tatay sa likod at akmang hinalikan sa pisngi.
****
Pagkatapos kumain ay inayos ko na ang mga pinggan at hinugasan ang mga ito sa lababo.
Pupunta na ako sa warto upang makaligo at makapagayos ng sarili dahil ito nanaman ang araw na kinaaayawan ko! Makikita ko nanaman yung Boss ko na ubod ng tamad. Letse! Hayy.
---
Sofie's POV
Naalimpungatan ako. Hay ayan tuloy gising na gisng ang diwa ko! Ang aga kong nagising. Tinatamad akong kumilos.
Chineck ko muna yung e-mail ko baka may update about dun sa Company na pinuntahan ko kahapon. Sabi kasi ni Dad ay may isesend daw na file sa akin. Hindi ko alam kung ano iyon pero kailangan ko daw itong basahin at pagaralan mabuti.
Pagbukas ko ng laptop, nakita ko ang picture namin ni Andy noong kami aymga bata pa sa bahay ampunan, pinicturan ko yung litratong naiwan sakin at inilagay ko dito sa laptop. Hays napapabuntong hininga nalang ako. Kailan kaya kita makikita ulit? Andy? Miss na miss na kasi kita.
Binuksan ko agad ang f*******: ko bago ang E-mail ko. Nagmessage sakin si Jerry.
"Babe, let's break up." Ayan lang ang nakalagay sa message ni Jerry na ikinagulat ko. Si jerry kasi ay isang Model, matipuno at gwapo, madaming naghahabol na babae dito pero ako pa din ang pinili niya.
Pero di ko inaasahan na makikipagbreak siya sakin ng ganun ganun nalang. Napaiyak nalang ako. Minahal ko si Jerry isa siya sa pinaka sineryoso kong Boyfriend. Pero heto ako ngayon iniwan ng isang Lalaking nangngangalang Jerry.
At dahil dyan tatawagan ko ang mga kaibigan ko. Magpapakawasted ako! Nakakainis.
Kring... kring... kring...
"Hello? Sofie bat napatawag ka?" sagot ni leslie sa kabilang linya. Isa sa mga best friends ko.
"Leslie, pwede ba tayo magkita ngayon? Magbar tayo mamayang gabi ." Sabi ko sa kanya. Gusto ko munanv magpaka walwal ngayon.
"Why? What happened?" biglang napalitan ang tono ng boses niya. Alam niya na kapag ganito ako ay may problema ako o di kaya'y gusto ko lang talagang gumimik.
"Long story les, please tawagan mo na din sila Joanna at Alexis." hindi na ako nag bigay pa ng detalye sa kanya.
"Okay girl see you!" at aktong ibinaba na niya ang cellphone niya ganoon din ako.
---
Andy's POV
Nagovertime ako sa work. Sandamakmak nanaman kasi ang iniwang trabaho sakin ni Unggoy! Nakakainis na talaga siya. Naiwan kami ni Kate, Julia at Maxene.
"Girl, tara bar tayo." Pagaaya ni Kate.
"Ayy tara Kate! Madaming gwapo dun." Sabi ni Julia.
"Oo nga, mukhang masaya. Girls night out!." Sabi ni Maxene
"Oy babae! Tara sama ka samin." Sabi ni kate habang nagtatype ako sa computer. Ang dami dami ko pang tatapusing tarabao oh?
"Hay girls, sige na ako na ang tatapos ng trabaho na ito." Sabi ko sa kanila.
"Ay ano ba yan! Minsan matuto ka namang gumimik dyan! Jusko." Sabi ni Julia
"Oo nga naman tara na!" Sabi ni Maxene at pilit nila akong pinapatayo.
"Hay nako! Oo na sige na. Dahil ang kukulit niyo." Sabi ko at napilitang magligpit ng gamit.
Pagpasok namin sa Bar, nadidiliman ako. Ang nagbi blink na ilaw at kung ano ano pa. Hay nako.
"Ayooos! Tara na girls doon tayo maupo oh." Sigaw ni Kate habang makas ang tugtog sa bar.
---
Sofie's POV
Andito na kami sa Bar nila Joanna, Leslie at Alexis. Sumayaw sila sa dance floor at heto ako sa Bar Counter, umorder ng whisky sour. My all time favorite.
Habang umiinom ako at hawak ko ang baso ko, may napansin akong pamilyar na mukha. Mukhang si... Ayy oo! Yung nakabangga ko dun sa Company! Malapitan nga.
"Hi Ms. Amm?" Sabi ko sa kanya.
"Ay! Ma'am ikaw pala!" Ha? ma'am? What the.
"Hmm. Just call me Sofie nalang kapag wala tayo sa trabaho."
"Hmm. Okay po, Sofie." Medyo nahihiya pa siyang tumingin sakin.
Napansin niya yung iniinom ko.
"Hmm Sofie, pwede ba matry yang iniinom mo?" sabay alok ko sa kanya.
"Sige." At inabot ko naman sa kanya yung baso.
"Arrrgh! Ang pait pero may asim." napa asim ang mukha niya dahil doon sa lasa.
"HAHA oo whiskey sour kasi ito." marahan akong natawa. Ang cute niya kasi.
"Gusto ko niyan. Teka teka oorder din ako." sabi niya habang tinatawag ang bar tender sa counter.
"Sige sagot ko na yung drinks mo." sabi ko sa kanya habang tinitignan siya.
"Ay nakakahiya naman po Ma'am! Ayy este! Sofie." halatang medyo naiintimidate pa siya sa pagtawag sakin sa aking pangalan.
"Wag ka mahiya sige lang." Sinubukan kong pagaanin yung tensyon na nararamdaman niya ng sa gayon ay para makausap ko din diya ng walang ilang.
****
Lumipas ang mga minuto at nagkkwentuhan pa din kami.
Hanggang sa marami na siyang nainom at mukhang masusuka na ito kaya inilabas ko na agad sa Bar.
"Amm. Ah... di ko alam ang pangalan mo pero san kita iuuwi?" Oh yeah. Sofie, good idea na tinatanong mo ang taong lasing.
"Ar kluleoad jahashhh shshh." sagot nito habang pikit na pikit na ang mga mata nito.
Mukhang lasing na sa condo ko nalang siya patutulugin.