Andy's POV Wala na talagang ginawa ang lalaking iyon kundi mang bwset! Nakakainis! Sobrang nakakabadtrip siya! Mukha ba akong pera? Palibhasa kasi ay empleyado ako kaya ang mga mayayamang katulad nila e tingin sa amin ay mukhang pera. Wag naman sana nilang lahatin. Dahil ang mga kagaya ko ay may paninindigan pa rin naman sa buhay. Ano bang akala niya? Na lahat ay nabibili ng pera? Kahit pati ata pagkatao e nabibili niya ng pera pero it's a Big No! No! to me! I have my dignity. Pagkarating ko sa mesa ay agad akong nag-ayos ng gamit. "Teka Girl, san ka pupunta?" sabal ni Kate. "Aalis na ako dahil ayoko ng makita ang boss niyong mukhang kulangot." sambit ko habang nagaayos ng gamit. Sadyang napatawa naman si Kate sa nasabi ko. Tama naman ako? Hindi siya GWAPO, mukha na ngang bakla. Baka n

