Alas-otso pa lang ng umaga ngunit nakabusangot na kaagad ang mukha ni Berry. Tila ba mababakas sa maganda nitong mukha ang matinding pagkabagot sa paghihintay sa amang hindi magkaintindihan sa pag-aayos ng necktie niya. Dahil dito, hindi maiwasan ni Bisky namakaramdam ng pagkainip sa ama nito na hindi pa rin matapos-tapos sa pag-aayos ng necktie. Kung kaya't hindi maiwasan ni Bisky na mapakamot sa ulo nito habang nakatingin sa gawi ni Silver na abala pa rin sa necktie niya. "Come on, Daddy! Hurry up! I'm gonna be late for my first day of school!" Nagpapapadyak na pahayag ni Berry sa ama nitong kababa lang ng hagdan. "Sorry na, Baby. Alam mo naman na nahihirapan si Daddy sa pagsusuot ng necktie." Nakangiting pahayag ni Silver sa kaniyang anak na si Berry. Sa halip na sagutin pa ito ni B

