Chapter 21: Ghost From The Past

1209 Words

Ikaapat pa lamang ng umaga ay gising na gising na ang diwa ni Megumi sa kadahilanang maaga ang alis niya patungo sa Palawan. Bagamat araw ng sabado, abalang-abala si Megumi sa pag-aayos ng gamit niya sapagkat ngayon niya sisimulan ang plano niyang paghihiganti sa mga taong minsan na niyang tinuring na pamilya. Ang pamilyang may kagagawan kung bakit nasira ang pangarap niya sa pagpipinta. Sa halip na isipin pa ang bagay na 'yon, pinili na lamang ni Megumi na kalimutan ito. Dahil dito hindi mapigilan ni Megumi na mapangisi sapagkat nasasabik na siyang makita ang reaksyon ng mga ito kapag sinimulan na niya ang kaniyang plano. Isama mo pa rito na gustong-gusto rin ni Megumi na makita ang takot sa mga mata ni Thalia, ang babaeng sumira sa pangarap niya. Sa tuwing naiisip ni Megumi ang nangyari

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD