Chapter 3

1186 Words
Ngumiti si Zoey at tinitigan niya si Angelo bago siya nagsalita. "Yes!" simpleng tugon sabay pisil niya sa matangos na ilong nito. Sa mga sandaling iyon ay sobra ang sayang ni Angelo. Dahil napatunayan niya na totoo ang mga sinasabi ni Zoey sa kaniya kagabi at hindi niya nga niya ito nakalimutan . "T-thank you..." malumanay niyang sabi. "Welcome! Dito ka mag-lunch mamaya ha, magluluto ako para sa ating dalawa." "O-okay..." nakangiti niyang tugon. Nang matapos siyang magsuot ng damit ay agad na siyang nagpaalam kay Zoey. "Wala bang kiss?" paglalambing nitong tanong. "Kailangan pa ba iyon?" nahihiya niyang tugon. "Of course! Boyfriend mo na ako hindi ba?" seryoso ito. "Y-yes," lumapit siya kay Zoey sa kama at humalik sa labi. "Mag-iingat ka sa pagmamaneho, I love you." bilin niya. "Yes, I will. Thank you." "I said, I love you." pag-uulit niya. "Oh, sorry! I love you too." tugon niya at muling lumapit kay Zoey upang yumakap. "I need to go." Nakangiti siya habang nagmamaneho. Dahil masaya siya sa ipinakita ni Zoey sa kaniya, ramdam na ramdam niya na totoong-totoo ito kanina. Nang makarating siya sa kaniyang apartment ay naligo agad siya. At nang matapos na makapagbihis ay umalis na ito. Masaya siya habang nagtatrabaho sapagkat baon niya ang magagandang alaala ni Zoey… SUMAPIT ang tanghalian at nagmadali siyang lumabas mula sa hospital. Dahil alam niya na naghihintay si Zoey sa kaniya at nahihiya naman siyang pahihintayin ito ng matagal. Hanggang sa makarating na siya sa apartment ni Zoey. Hindi pa nga siya kumakatok sa pinto ay agad na itong bumukas. "Kumusta ang work ng aking girlfriend?" masayang tanong niya at humalik sa kaniyang labi. Bigla namang kinilig si Angelo sa ipinakita ni Zoey sa kaniya. "Okay naman." "Flowers for you..." Nabigla siya at hindi makapaniwala na agad-agad ay bibigyan siya ni Zoey ng isang tungkos ng mga rosas. "Wow... Thank you!" aniya at yumakap siya. "Welcome!" nakangiting tugon ni Zoey na mas lalong nadagdagan ang kaguwapuhan niya. "Ang guwapo talaga ng boyfriend ko." Hindi niya napigilan ang paghanga sa bago niyang nobyo. "Halika na, nakahanda na ang lamesa." hinawakan niya ang baywang ni Angel, sabay silang nagtungo sa kusina. "Wow! Ang sarap naman ng handa mo, Zoey." "Syempre! Espesyal ang aking bisita e, kaya kailangan masarap ang nakahanda." "Salamat talaga sa mga effort mo today." malambing niyang sabi. Sweet ang dalawa habang kumakain, dahil nagsusubuan sila at puno ng tawanan. Banaag sa kanilang mga mukha na masaya sila sa kanilang relasyon binubuo. Nang matapos silang kumain ay si Angelo na ang nagpresetang maghugas at maglinis sa kusina. Hindi naman tumututol si Zoey. Hanggang sa hinatid na siya ni Zoey sa kaniyang apartment. Dahil may duty pa ito. KINABUKASAN ay hindi nakapasok si Angelo. Sapagkat nilalagnat ito. Siguro, dahil sa unang love making nila ni Zoey, dahil naramdaman pa rin niya ang konting kirot sa kaniyang anal. Nagtaka naman ang doktor kung bakit hindi niya nakita si Angelo. Kaya agad niya itong tinawagan. Paulit-ulit niyang tinawagan si Angelo, ngunit hindi ito sumasagot. Sapagkat nakatulog ito ng mahimbing. Kaya naisipan niyang puntahan ang partner sa apartment ito dahil nag-alala siya. Nang makarating siya sa apartment ni Angelo ay nagtaka siya. Sapagkat walang nakabukas na ilaw sa kabuuan nito. Alam niya ang lagayan ng susi kaya kinuha niya ito at binuksan ang pinto. "Angel, Angel?" sambit niya. Ngunit walang sumagot. "Angel, nandiyan ka ba?" paanas niya tanong at nasa labas siya ng pinto ng kuwarto. Ngunit ganoon pa rin walang sumasagot. Bahagya niyang itinulak ang pinto at sinilip ang loob. Madilim ang paligid kaya hinagilap niya ang switch ng ilaw. Nang mabuksan niya ito ay nakita niya si Angel na sobrang himbing ang tulog. Nilapitan niya ito at kinapa ang noo. "My God! Ang taas ng lagnat mo, Angel." agad inalis ni Zoey ang kumot at pinaupo niya ito. "Zoey, bakit ka nadito? Wala ka bang pasok?" tanong niya sa mahinang boses. "Meron, pero nag-alala ako sa'yo, kaya pinuntahan kita dito. Nasaan ba ang mga towel mo?" "Nandiyan sa kabinet." Agad nagtungo itong tumayo at kumuha ng towel, binasa niya ito ng malamig na tubig. At pinunasan niya ang buong katawan ni Angelo hanggang sa bumaba ang kaniyang lagnat. Pinalitan niya ang suot ni Angelo ng sando at pinahiga niya itong muli. "I'm sure, hindi ka pa kumakain?" tanong niya at tumango si Angel. "Bumaba muna ako at ipaglututo muna kita," malambing niyang sabi. "Paano ang trabaho mo Zoey?" "Huwag mo'ng isipin ang trabaho ko dahil mas mahalaga sa akin ang alagaan ka. Hindi kita pwedeng iwanan dito na mag-isa, hangga't hindi ka pa okay." "Salamat Zoey..." "Welcome!" tugon niya. Sabay halik sa labi ni Angelo at lumabas na siya para magluto... Pawisan ngunit nakangiti pa ring nagluluto si Zoey. Hindi maikakaila sa kaniyang mukha na masaya siya sa piling ni Angelo. Kahit gay ito, ngunit dito niya nasumpungan ang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae. "Angel, kumain ka muna." bitbit niya ang isang tray na may lamang mga pagkain. Inilagay niya ito sa isang maliit na table. "Thank you, Zoey," aniya at pilit na bumangon. Ngunit maagap naman siyang inalalayan. "Dahan-dahan," turan niya. " Nakakahiya naman sa'yo, Zoey." "Ssshhh... Don't say that Angel, I'm your boyfriend. Kaya nararapat lamang na pagsisilbihan kita. I know, gagawin mo rin ito sa akin kung ako naman ang magkasakit, hindi ba?" tugon niya at inilagay pa ang daliri sa labi ni Angelo. "Okay..." malumanay nitong tugon. "Mamaya gawaan kita ng sick-leave at pirmahan mo na lang, para i-submit ko bukas." "Okay, thanks a lot, Zoey" Sinubuan niya ni Zoey, hindi naman ito nakatanggi, sapagkat makulit ito at hindi nagpapaawat sa pag-aasikaso sa kaniya. Sa mga katangian na ipinakita Dr. Zoey ay mas lalong na-inlove ang binabae sa kaniya. Lumalim ang gabi ngunit nanatili pa rin sa kaniyang piling ang doktor. Na patuloy pa rin siyang inalagaan. "Zoey, malalim na ang gabi, hindi ka pa ba uuwi? "Hindi kita iiwan Angel, dito lang ako sa tabi mo." tugon nito. "Salamat! Magpalit ka muna ng iyong damit at pumili ka na lang diyan sa kabinet. Kasya mo naman yata ang aking mga t-shirt." Kumilos naman si Zoey, kumuha ito ng damit at pumasok na sa banyo para maligo. Lihim na napangiti si Angelo sa ginagawa ni Zoey sa kaniya. Hindi niya inakala na matugunan rin pala ang kaniyang pagmamahal sa doktor Nang matapos itong maligo ay humiga na ito sa tabi niya. Agad namang nakaramdam ng kaba si Angelo sa pag-akala na muli na namang maulit ang nangyaring love making nila noong nakaraang gabi. Ngunit taliwas sa kaniyang iniisip sapagkat hindi ito ginagawa ni Zoey. Tumabi lang ito at niyakap siya. "Good night Angel, I love you!" Wika niya at humalik ito sa kaniyang labi. "I love you too, salamat!" tugon nito. " Salamat for what?" he asked "Sa pag-aalaga mo sa akin ngayon." he replies
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD