"Ang ganda naman ng anak ko!" I can't stop myself from smiling nang narinig ko ang sigaw ni Mama. "Ma naman. Hindi pa nga tapos," natatawang sabi ko nang hindi pa rin minumulat ang mga mata ko. Kakatapos lang kasing ilagay ng make-up artist na kinuha namin ang false eyelashes sa mga mata ko. You probaby are thinking kung ano ang meron ngayon at kung bakit ako nagpapaganda. Well, ngayon lang naman ang araw ng graduation ko. Narinig ko naman siya na naglakad papunta sa tabi ko. "Hayy, anak nga talaga kita. Pati sa ganda ay sa akin ka nagmana," narinig ko pa siyang napapalatak sa tabi ko. "Oo na lang ako," agad kong nasapo ang balikat ko nang makatanggap ako ng palo sa braso mula sa kaniya. 'Ang bigat talaga ng kamay ni Mama!' "Aray naman!" nakangiwing sabi ko. "Ma'am! huwag po kayong

