"Ano na? wala ka talagang planong mag-celebrate?" tanong ni Janella sa akin habang nag-aayos kami ng gamit. Kakatapos lang kasi ng klase namin. "Wala talaga eh," mahinang sabi ko at napabuntong hininga. My birthday is fast approaching pero hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko. "Ano ba ang gusto mong mangyari? kahit mini celebration lang. It's your 18th naman," nanghihinayang na sabi ni Janella. Pabagsak na naupo ako sa seat ko. "I don't know, kung ako lang ang masusunod ay ayoko talaga mag-celebrate. Para kasing sinasampal lang sa akin na ang tanda ko na," natatawang sabi ko. "Mygosh girl! kung alam mo lang. Naiyak kaya ako noong kakagising ko nung 18th ko. Feeling ko kasi ay ang dami ko nang responsibilities," naiiling na sabi ni Janella at tila na-stress nang naalala niya

