"Sa mga ganitong pagkakataon talaga pinapangarap ko na lang na maging sugar baby," I laughed along with our other duty mates sa maktol ni Janella. Patawa-tawa lang ako pero deep inside ay parang nag-iba na ang gusto kong gawin sa buhay at maging sugar baby na lang rin. Sayaw-sayaw lang tapos boom! Mas malaki pa ang pera na nakukuha nila kumpara sa mga Nurses dito sa Pilipinas. "Ouch." I muttered under my breath nang tuluyan kong maalis ang white duty shoes ko. 6 hours straight ba naman kami na nakatayo lang. Medyo mabigat pa naman ang duty shoes namin tapos matigas kaya masakit talaga sa paa. I was starting to plan kung ano ang gagawin ko sa bahay pagnakauwi ako kaso naalala ko pala na kailangan ko pang gumawa ng Nursing Care Plan para sa patient ko. Dagdag pa ang drug study ng lahat n

