"I just noticed," pabitin na sabi ni Janella sa gitna ng pag-aaral namin. Nandito kami ngayon sa library dahil wala kaming class sa isang subject. Hindi daw makakapasok ang teacher namin dahil meron daw siyang appointment so instead na gumala kagaya ng ginawa ng iba naming mga kaklase ay napagdesisyunan namin ni Janella na mag-advance study na lang. Sayang din naman ang oras. Napatigil ako mula sa pagbabasa ko at nagtaas ng tingin sa kaniya na agad akong pinanliitan ng mata. "Bakit?" "Napansin ko lang na mukhang palagi kayong magkasama ni Luke palagi." Totoo ang sinabi niya dahil simula nga noong binisita ko si Luke sa bahay niya nang may sakit siya ay niyayaya niya na akong mag-aral. Pero palagi naman namin silang kasama. "Makapagsalita ka parang wala kayo ah?" natatawang sagot ko. H

