"Kapagod," pawisang bulong ko sa sarili ko at pinahid ang noo ko. Kanina pa tumatagaktak ang pawis ko sa pagbubuhat ng mga gamit namin mula sa room kung saan namin ginawa ang props papunta sa gymnasium ng school namin kung saan nagaganap ang event ng school namin. "Alright everyone! Last na ito! Let's go!" sabi ng senior namin. Huling props na kasi ito na dadalhin namin before the program will start which is about 10 minutes. The University week will be officially opened and representative from each department will do a dance. If it's our department's representative to dance ay may ginawa kaming sangkatutak na inflatable thunder stick para gumawa ng ingay habang chini-cheer sila. We are aiming to keep the crown in our department for this year. "Aiko, patulong dito," sabi sa akin ni Jane

