Nangunot ang noo ko nang mapansin ko ang mga schoolmates naming na tawa ng tawa. Hindi lang isa kundi halos lahat sila kahit grupo-grupo. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at dumeretso na sa classroom naming. “Good morning!” bati ko kay Janella na kasalukuyang nanonood ng netflix sa cellhpone niya. “Ang aga mo ah,” malapad akong napangisi sa kaniya. Feeling ko ay isa iyong puri. “Naman! Maganda gising ko eh!” mayabang na sabi ko. Tinulungan ko kasi kagabi si Mama sa paghanda ng mga pagkain dahil birthday ngayon ni Toby kaya merong handaan sa bahay. “Ngapala, punta ka mamaya sa bahay ah? Birthday ng kapatid ko,” pag-iimbita ko sa kaniya. “Sure!” excited na sabi naman ng bruha. Syempre, pagkain na iyon eh. Tatanggi pa ba siya. My forehead knot nang mapansin ko ang mga kaklase nam

