Naramdaman ko na lang ang malakas na impak ng tubig na sumalo sa akin katawan. Mabilis kung inaahon ang aking ulo dahil malapit na akong maubusan ng hangin sa sa ilalim ng tubig. Habol ko ang aking hininga ng maiahon ko ang aking ulo sa sa ibabaw ng tubig. Buti na lang nasa tabi ko pa rin si Brandon, para alalayan akong lumangoy. mabilis akong sumampa sa malaking bato ng makarating kami sa tabing ilog. "Baby, dahan-dahan lang baka mahulog ka." Wika ng lalaki habang inaalalayan akong maka akyat sa ibabaw ng malaking bato. Nakita kong sumampa na rin ang lalaki. Salamat na rin sa linawag ng buwan na nag bibigay liwanag sa madilim na paligid. "Baby, Okay, ka lang ba hindi ka ba nasaktan?" Tanong agad ng lalaki ng makaakyat ito at umupo sa akin tabi, hinawakan ng lalaki ang aking ulo

