Lucio’s POV “Nakatingin ka sa akin ‘no?!” bigla niyang tanong kaya umiwas agad ako ng tingin sa kaniya. “Hindi po, sa tubig ako nakatingin dahil pinapabula ko ito,” sagot ko naman. Napailing na lang ako nang mapagtanto na hindi naman niya ako nakikita kaya’t bakit umiwas ako ng tingin sa kaniya nang sabihin niyang nakatingin ako sa kaniya. Sigurado akong nanghuhula lang siya. Sabagay, alam niya kasing hubu’t hubad siya kaya talagang titignan ko siya, lalo pa’t alam kong bulag siya. “Ang saya maging care giver ‘no? Malaki na nga ang sahod, masarap ang kinakain, nakakakita ka pa ng ganitong kagandang katawan,” bumuntong-hininga siya. “Kung ‘di lang talaga ako naaksidente at nabulag, hindi sana ako magmumukhang tanga sa mga taong nag-aalaga sa akin. Sa totoo lang, nakakahiya itong nakahubu

