Chapter 5

1805 Words
Lucio’s POV “Oh, Lucio, apo, heto ang juice. Mag-juice ka muna at kanina ka pa seryoso sa pag-aani ng mga sitaw diyan. Ano ba’t masyado kang seryoso at tahimik ngayong araw?” tanong ni Lola Igna nang lapitan niya ako. Tinanggap ko ang juice at kanina pa kasi talaga ako nauuhaw dahil sa init ng panahon ngayon. “Lola, wala na pong manloloko sa iyo at pati na rin sa akin,” sagot ko sa kaniya na kinalito naman agad niya. Naupo kami sa ilalim ng puno ng mangga na mayroong mga lamesang gawa sa kawayan. Lilim dito at dito ako madalas mag-merienda o mag-lunch araw-araw kapag narito ako sa farm. “Anong ibig mong sabihin, apo?” naguguluhan niyang tanong habang nagbabalat naman ng suman na dala rin niya. “Wala na ho kami ni Mia,” sagot ko sa kaniya habang iniinom na ang juice. Ngumiti siya.“Ah, kaya pala mugto ang mata mo. Kung ganoon ay anong nangyari? Sa totoo lang ay masaya ako na hiniwalayan mo na ang magastos na babaeng ‘yun,” sabi niya kaya napangisi ako. Sa wakas ay sasang-ayon na ako sa mga masasamang salita na palagi niyang binibigay kay Mia. Sa una palang kasi ay ayaw niya rito. Galit kasi itong si Lola Igna sa mga babaeng pasarap lang sa buhay. Ayaw niya na magkaroon ako ng syotang walang ambisyon sa buhay. Ngayon ay nakukuha ko na rin ang kinagagalit dati ni Lola Igna. Masyado lang talaga akong in love kay Mia dati kaya kahit anong pangaral ni Lola Igna patungkol sa kaniya ay hindi ko pinapansin. Nakukunsensya tuloy ako na hindi manlang ako nakinig sa kaniya. Ang dami ko talagang nasayang na pera at oras sa babaeng ‘yun. “Basta ho. Huwag niyo na lang pong alamin at baka ma-highblood lang ho kayo,” sagot ko at saka ko na rin binuksan ang isa pang supot na dala-dala niya. Tiyak na mamon na naman ang dala-dala niya na madalas niyang bilhin sa malapit na panaderya dito sa farm namin. Paborito ko kasi ‘yun, bukod sa mga suman na madalas niyang gawin. “Oh siya, dadalhin ko na ang mga naani mong sitaw at parating na kasi ngayon ang mga kukuha ng gulay sa atin ngayon. Pagkatapos mo diyan ay mamahinga ka na muna at baka lalo ka nang umitim kapag nagbilad ka pa nang nagbilad diyan sa ilalim ng araw.” “Sige po, salamat ho nga pala rito sa merienda.” Kaunti lang ang nakain ko. Kapag pagod kasi ay wala talagang ganang kumain. Pagkatapos kong mag-merienda ay balik-trabaho na ako. Maunti na lang naman ang aanihin ko kaya binilisan ko na ang gawain ko. Dinala ko na kay Lola Igna ang mga huling naani ko para maitali na rin niya. Tumuloy ako sa kubo ko para mamahinga. Maliligo na rin kasi ako para maghanda—papunta sa birthday party ng kaibigan ko. Ayoko sanang pumunta dahil alam kong magkikita kami ni Kevin doon. Baka magkagulo kapag lasing ako pero nahihiya naman ako kay Benjie kaya sasaglit ako kahit pa paano. Ito ang unang araw na single na ulit ako kaya nararapat lang na mag-ayos na rin ako. Ayaw ko naman kasing makita nila na broken ako tapos mukha pa akong haggard. Saka, ayokong maging mukhang kawawa sa mata nila Kevin at Mia. Nilabas ko ang isang magarang polo-shirt at pantalon ko. Ganito ‘yung pormahan ko na kapag nakita ako ng mga kakabaihan ay agad silang nai-inlove. Bakat na bakat kasi sa akin ang matipunong katawan ko dahil fit na fit ito sa akin. Isa pa, ang lakas kasi ng dating kapag puti ang suot-suot kong damit. Moreno man ay kayang-kaya ko namang dalhin ang mga ganitong kulay ng damit. Sabi nga nila, nasa nagdadala ‘yan. ** Hapon na nang dumating ako sa bahay nila Benjie. Ang daming tao. May videoke at halos lasing na ang papa at mga tito ni Benjie. Karamihan sa ibang bisita niya ay mga tauhan niya sa convinience store na pinagtatrabahuhan niya. Isa kasi siyang manager doon kaya mapera na rin kahit pa paano ang kaibigan kong ito. Narito na rin ang ilan sa mga kaibigan ko. Nagtagpo na rin ang mga mata namin ni Kevin. Wala pa siyang alam na alam ko nang siya ang lalaki ni Mia. Wala rin siyang alam na ako ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay na sa kaniya si Jennie. Simula nang mangyari ‘yun ay panay ang text message sa akin ni Kevin. Panay ang aya nitong mag-basketball, tumambay sa kanila at sa kung saan-saan pa. Halatang inaalam niya kung may alam na ako. Natatakot siguro siya na baka pati ako ay padalhan ng video nang pagse-s*x nila ni Mia. Ang hindi niya alam ay ako ang kumuha ng video na ‘yun. “Lucio!” tawag niya sa akin. Sa aming magkakaibigan ay siya lang ang tumayo para salubungin ako. Ngumiti ako, pero hindi todo. Hinding-hindi ko na siya ngingitian ng kagaya ng ngiti na binibigay ko sa kaniya noon. Kung kinakailangang makipagplastikan sa kaniya ay gagawin ko. “Alam naming broken ka, pero parang mukhang ‘di dahil ang fresh ng itsura mo. Ang guwapo mo nga ngayon. Parang pinaghandaan mo ang kaarawan ko. Naghahanap ka na siguro ng ipapalit kay Mia,” panunukso ni Benjie na may birthday. “Luko, saka na ‘yang jowa-jowa. Magseseryoso na lang muna ako sa buhay ko para magaya na ako sa iyo na maraming pera. Anyway, happy birthday, pare,” bati ko sa kaniya at saka ko inabot ang regalo kong t-shirt na nabili ko sa may bangketa. Mumurahin man ‘yun ay ang mahalaga naman ay may regalo ako sa kaniya ngayong birthday niya. “Salamat. Halika muna sa loob. Kumain na sila, ikaw na lang ang hindi pa at late ka kasi,”sabi niya at saka ako sinamahang pumasok sa loob. Naka-buffet ang handa niya kaya nagulat ako. Ang dalang kong makakain sa mga ganitong sosyal na handaan kaya sinulit ko. Pinaghandaan talaga ni Benjie ang birthday niyang ito kaya nakaramdam na naman ako ng inggit. Ako kasi, hinding-hindi ko kayang gawin ito, ‘yung maghahanda ng ganitong karaming pagkain. Kung maghahanda man ako, isang kilong spaghetti at isang kilong pancit lang ay sapat na siguro. Hindi na ako lumabas dahil may bakanteng lamesa akong nakita rito. Iniwan na muna ako ni Benjie dahil marami din siyang inaasikasong bisita. Dito na ako kumain. Habang kumakain ako ay may nakita akong grupo ng babae sa kabilang lamesa. Mga kaibigan ito ng kapatid na babae ni Benjie. Kinawayan ako nito kaya tumango naman ako at ngumiti. Nakita kong kinilig ang tatlong babaeng kasama niya kaya napangisi na lang ako. Ang lakas talaga ng dating ko kahit sa mga ganitong mga kabataang babae. Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako. Naki-inom na rin ako sa kanila. Isang oras lang ang nilaan ko rito at ayokong malasing ng todo. Iniiwasan kong malasing ako at baka makalasingan ko si Kevin. Nakakahiya naman kasi kung gumawa kami ni Kevin ng eksena dito. Gigil na gigil pa naman ako sa kaniya ngayon kaya ako na ang mag-a-adjust. Beer ang iniinom kaya saglit lang ang tinagal ko at nagpaalam na rin ako kay Benjie. “Ang aga naman, Lucio?” tanong ni Kevin. Namumula na ang mukha niya. Mas nauna kasi silang uminom kaysa sa akin. “May lakad kasi ako bukas,” sagot ko na lang kahit wala naman talaga. “Lakad? Saang lakad naman ‘yan? Naku, saka na ‘yan. Kung work man iyan, ipagpaliban mo na muna ‘yan at mas masarap kasi ang maging tambay,” udyok pa niya kaya natawa ako. Palibhasa ay wala siyang kahiya-hiya na palamunin pa rin siya hanggang ngayon sa bahay nila. “Hindi na, lasing na rin ako. Sa susunod na lang siguro,” sagot ko at tatayo na dapat ako pero bigla akong pinigilan ni Kevin. “Ang arte naman nito. Kaya ka iniiwan ng mga babae dahil sa ugali mong ‘yan eh.” Napatingin ako ng galit kay Kevin dahil sa sinabi niya. “Hoy, tama na ‘yan! Baka magkapikunan pa kayo,” saway ni Benjie sa amin at saka ito gumitna sa aming dalawa ni Kevin. Nag-init talaga ang ulo ko sa narinig ko sa kaniya. Ang lakas ng loob niyang sabihin ‘yun gayong alam kong siya naman ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Mia. “Tabi, Benjie, pasensya ka na, pero sinagad na ang galit ko ng isang ito. Gusto ko lang bigyan ng leksyon itong ahas nating kaibigan. Akala niya siguro ay wala akong alam,” sabi ko kaya nagulat silang lahat. “Ang a-alin?” nautal agad si Kevin. “Ano ‘yun? Anong ibig mong sabihin?” pagtataka tuloy ni Benjie. “Gago! Hindi ka tunay na kaibigan, Kevin. Walang kaibigan na nanunulot ng girlfriend ng may girlfriend. Hayop ka, ang tagal-tagal mo na pala akong ginagago, pareho kayong gago ni Mia dahil pinaglaruan niyo ako. Tang-ina mo ang lakas mong mag-umpisang mag-open ng topic na tungkol sa kaniya kaya sige, papatulan kita! Ano, masarap bang makisalo sa may girlfriend na may girlfriend? Anong lasa? Lasang tanga ‘no?” “Totoo ba ‘yun, Kevin?” maging si Benjie ay tila nagalit na sa kaniya. Hindi makakibo si Kevin. Natahimik siya at napayuko na lang. “Tinatanong kita, Kevin? Totoo ba ‘yun? Ikaw ang dahilan nang paghihiwalay nila Lucio at Mia?” tanong pa rin ni Benjie habang nakasigaw. Nagtingin na tuloy sa amin ang lahat ng bisita niya. Si Benjie pa ngayon ang mas nagalit. Ganiyan ako kamahal ni Benjie. Actually, mahal na mahal niya kami ni Kevin. At ganoon din naman ako sa kanilang dalawa, pero ngayon hindi na kay Kevin. Si Benjie na lang ang ituturing kong kaibigan. “Sorry,” sagot na lang ni Kevin kaya agad na siyang pinagsusuntok ni Benjie. Nagulat na lang ako sa ginawa ni Benjie. Natulala ako at nanuod nalang sa ginawa niyang pagsusuntok kay Kevin. Inawat na lang siya ng iba pa naminng mga kaibigan dito. Galit na galit at halos naghahabol ng hininga si Kevin matapos siyang bigyan ng leksyon. Nang makita ko naman si Kevin ay halos duguan ang mukha niya. Ngayon ko lang nakitang ganoong kagalit si Benjie kaya nagulat talaga ako. Masyado nang magulo at nagulo na rin talaga ang birthday party ni Benjie kaya kusa na akong umalis at nahiya na rin kasi ako. Nagpadala na lang ako ng text message sa kaniya. Humingi na rin ako nang maraming pasensya. Sa nangyari, hindi ko na kailangan pang bigyan ng leksyon si Kevin dahil ginawa na ‘yun ni Benjie para sa akin. Nawala ang pagiging magandang lalaki niya dahil sa duguan niyang mukha nang makita ko kanina. Isa lang ang masasabi ko. Deserve!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD