Chapter 8

1361 Words
Lucio’s POV “Kahit anong mangyari, Lucio, kayanin mo dapat ang trabaho mo rito, kasi sayang ‘yan. Aba, saan ka naman ba kasi nakakita na care giver tapos kalahating milyon ang sahod sa isang buwan? Dito lang ‘yan,” sabi ni Freya habang naglalakad kami sa mahabang hallway. “Oo, kayang-kaya ko naman ‘yan, Miss Freya, kaya hindi mo na kailangang palakasin pa ang loob ko, desidido ako sa pinasok ko kaya wala na itong atrasan kahit ano pang hirap ang maranasan ko rito,” sagot ko kaya narinig kong ngumisi siya. “Sabi mo ‘yan, ha. Puwes, good luck na lang talaga. Anyway, kung sa akin nasusungitan at naaartehan ka na, puwes, sampuin mo ang kay Skyla. Mas maarte at mas masungit siya kaysa sa akin, lalo pa’t bulag siya ngayon. Itatag mo ang katawan mo dahil madalas ‘yang magwala kapag wala sa mood,” sabi niya kaya doon na nawala ang ngiti ko. “Eh, bakit nga ba kasi ako ang gusto niyang mag-alaga sa kaniya? Narinig ko sa Papa niya ‘yun kanina kaya hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako. Kilala ba niya ako at sa nilayo-layo ng bahay namin dito sa mansiyong ito ay ako pa ang naisipan ninyong kuhanin bilang mag-aalaga sa kaniya?” tanong ko. Hindi kaya crush ako o may gusto sa akin si Skyla kaya sinadya niyang kunin ako? Sabagay, talaga namang marami na ang nakakakilala sa akin at patay na patay sa akin. “Sikat ka sa inyo. At ang hanap kasi ni Skyla ay malaki ang katawan dahil ang huling nag-alaga sa kaniya, patpatin, mahina at walang silbi. Dahil doon nalaglag sila sa hagdanan habang buhat-buhat niya ito, muntik pang mapilayan si Skyla. Ayon, pinakulong tuloy ito, bulag na nga kasi si Skyla, lulumpuhin pa niya. Kaya nag-request siya sa amin na kung maaari ay malaki ang katawan at malakas ang susunod na mag-aalaga sa kaniya. At ikaw nga ang naisip ko, tutal nagtatrabaho ka sa farm kaya ibig sabihin ay malakas ka,” sagot niya. “Hindi naman kasi siya lumpo, bulag lang ito kaya bakit nagpabuhat pa siya gayong alam naman pala niyang patpatin ang nag-aalaga sa kaniya. Isa pa, saan mo naman ako nakilala at saan mo rin nalaman na sikat ako?” tanong ko. Nag-cross arm siya. Tila, ayaw na ayaw niyang nagtatanong ako. “May nabasa akong article about sa iyo. ‘Yung kapag sasapit ang fiesta sa inyo ay naghahanap ka nga raw ng ano. Alam mo na. Curious ako dahil gusto ko ring makita ang itsura mo kaya hinanap kita sa social media. Nang makita kong okay ka naman at malaki ang katawan, ikaw ang naisip kong kuhanin bilang care giver sa kaniya. For your information, lahat ng staff dito pogi at magaganda, wala kang makikitang pangit. Approve naman agad kay Skyla kapag ako na ang naghanap para sa kaniya dahil malaki ang tiwala niya sa akin. Pasalamat ka na lang at isipin mong suwerte mo ito dahil hindi ka na magpapakahirap sa farm ninyo. Dito, nakakulong ka lang sa malamig na mansiyong ito at makakakain ka pa ng masasarap ng pagkain. Pagkatapos sasahod ka pa ng malaking pera kada buwan, saan ka pa? ” “Dahil lang doon sa article na ‘yun kaya mo kinuha?” “Nabasa ko rin kasi doon ang tungkol sa farm ninyo. Nabasa ko rin na laking bukid ka kaya naisip ko na malakas ka kaya malaki ang katawan mo. ‘Yun ang naging tunay na dahilan, malaki ang katawan mo at malakas ka kaya naisipan kong ikaw na nga ang kunin ko.” “Okay, now I know. Salamat sa tiwalang binigay mo sa akin. Makakaasa kang magtitiis ako dito kahit anumang paghihirap ang mararanasan ko. Para ito sa amin ng Lola Igna ko. Para ito sa mga pangarap ko kaya gagalingan ko,” sabi ko sa kaniya at saka na kami huminto sa isang pinto na sobrang laki. “Narito na tayo sa tapat ng kuwarto niya. Hindi na kita sasamahan sa loob at nagmamadali na rin ako. May lakad pa ako kaya maiwan na kita. Again, good luck, Lucio. For sure, hindi ka uuwi ng walang sugat mamayang gabi,” sabi pa niya habang tumatawa. Napailing na lang tuloy ako. Nang tuluyan na niya akong iwan ay huminga muna ako ng malamin bago buksan ang parang kuwarto ng prinsesa na ito. Pagbukas ko ay sumalubong sa akin ang mas malamig na aircon dito sa loob. Ang dilim, wala manlang kaliwa-liwanag sa loob kaya napakunot ang noo ko. Kahit isang lampshade o kahit bintana ay wala manlang nakabukas. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa ko para buksan ang flashlight. Hinahanap ko sa mga dingding ang bukasan ng mga ilaw. Napatingin din ako sa oras sa cellphone ko. Tamang-tama, lagpas alas siyete na ng umaga kaya oras na talaga para gisingin ko siya. “Heto ka lang pala,” sabi ko nang makita ko na ang pindutan ng mga ilaw. Tatlo ang pindutan at dahil hindi ko pa kabisado kung para saan ba ang mga pindutan na ito ay pinindot ko na lang lahat. Bumukas ang lahat ng ilaw. Ang kanina lang na sobrang dilim na silid na ito ay naging sobrang liwanag na. Namilog ang mga mata ko sa nakita ko. Isang malaking kama ang nakita ko, kama na parang kama ng prinsesa sa sobrang laki. Kung titignan ay tila kasya ang sampo sa kama niya. Sa kama ay nakita ko ang nakapikit na babae. Kahit nasa malayo pa lang ako ay masasabi kong parang anghel ang nakahiga at napikit doon. Ang ganda-ganda niya, lalo siguro sa malapitan kaya dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Tama nga ako, mas maganda nga siya sa malapitan. Okay, heto na, oras na para gisingin siya. Huminga ako ng malalim at saka siya inumpisahang gisingin. “Good morning, Ma’am Skyla, gising na po,” mahinahon kong sabi dahil medyo nahihiya pa ako. Sa unang paggising ay hindi siya nagising. “Ma’am, gising na po.” Mas nilakasan ko na ang boses ko kaya medyo napakunot na ang noo niya, pero ganoon pa rin, napapikit at hindi pa rin nagising. “Ma’am Skyla, gising na po!” mas malakas na boses na ang ginawa ko at saka ko hinaluan ng tapik sa braso niya. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang mga mata niya. “Patpating Terrence, ikaw pa rin ba ‘yan?” nakasigaw niyang tanong kaya napaatras ako sa nagulat. “Ah, hindi po. Bago po ako. Ako po si Lucio Sarmiento,” sagot ko naman agad. Nang magpakilala na ako sa kaniya ay nawala na ang galit niyang mukha. “Akala ko ang tangang si Terrence pa rin ang nag-aalaga sa akin. Anyway, anong oras na ba, Lucio?” tanong niya. “Seven na po ng umaga kaya oras na po para gumising kayo.” Nawala na ang kunot sa noo niya. Mas maganda pala siya kapag nakabukas ang mga mata. Pero mukhang bulag nga ito dahil diretsyo lang ang tingin nito. “Eh, nasaan ka ba? Bakit pakiramdam ko ay malayo ka sa akin? Kung ibangon mo na ako para makapunta na ako sa banyo eh, ‘di sana ay nakapaghilamos na ako.” Galit na ulit siya kaya lumapit na agad ako sa kaniya. Para maasikaso ko na siya. Hinawi ko na muna ang kumot. Paghawi ko niyon ay nagulat ako. “Ay, putcha, sorry po!” sabi ko nang makita ko ang hubu’t hubad niyang katawan. Putang-ina, ang laki ng dibdib niya, sobrang tulis at ang pink pa ng mga nippl*s. hindi siya nakakibo agad, nagulat din kasi ito sa nasabi ko. Nang tignan ko naman ang ari niya ay wala itong buhok, mukhang bagong ahit. Maging ang hiwa ng sentro niya ay pink na pink din. Sobrang kinis at sobrang sexy ng katawan niya. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng libog sa kaniya. Nararamdaman ko na nagagalit na rin sa loob ng underwear ko ang alaga ko. Isa lang ang masasabi ko. Ang sarap naman nitong si Ma’am Skyla. Ang suwerte ng jowa niya. Umagang-umaga tuloy ay busog na busog na agad ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD