Skyla’s POV Nang mag-umpisa na kaming uminom ng wine, madilim na. Pero may mga spotlight namang nakabukas kaya kung gugustuhing maligo sa dagat ay puwede-puwede. Hindi rin kasi nawawalan ng lifeguard dito, at buko doon, pala-desisyon ang mga mayayamang turista, kahit anong oras gusto nilang maligo, gagawin nila, lalo kapag mga lasing na, kaya naman nag-assign na talaga ang resort nila Levi ng mga lifeguard na twenty four hours na magbabantay dito. “Nga pala, doon na lang ako matutulog sa may sala, para kapag may kailangan ka o sumigaw ka ay madali akong magigising,” sabi ni Lucio at saka ito tumingin sa wine glass. “Ay, wala na palang laman ang baso mo. Akin na at lalagyan ko na ulit,” sabi pa niya. Lasing na siya. Tila sa alak ay patay-gutom din ang isang ito. Halos kalahati ata ng bot

