Masarap na kinain ni uncle Yago ang mga hinanda ko, ubos ang burger steak at corn salad. Nang matapo kaming kumain, siya na ang nag-volunteer na maghugas ng mga pinagkainan namin. Kinuha ko naman ang mga pinamili ko at dinala ko sa storage room pagkatapos ay dumiretso na ko sa master’s bedroom para maligo. Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong mag-shower, nakatapis lang ng tuwalya ang aking katawan at nadatnan ko siyang nakahiga sa kama at nakatingin sa frame picture namin nong graduation niya. “Buti na lang kumuha ako ng picture natin non.” sabi ko at umupo sa tabi niya. “Oo nga eh… Sayang lang at hindi tayo nakapag-date.” “Puwede naman eh ngayong kasama ka na namin rito. Pag wala kang review, pwede tayong lumabas.” “Nagde-date ba kayo ni kuya Julio?” “Hindi kami gaanong lumalabas

