Chapter 34: Laven's Breakdown "M-MAYROON pa," dagdag niya at muli ko siyang sinulyapan. She's still beautiful... But dude, hindi na siya para sa akin. Mahirap na siyang abutin. Hindi ko na kayang abutin. Kahit napakalapit pa niya sa akin. "Hmm?" "Ang mommy mo na lang ang tanungin mo," seryosong sabi niya at kumunot naman ang noo ko. "Si mom? A-Ano ang itatanong ko sa kanya?" Nawala ang gatla sa noo ko nang may naisip na naman ako. "A-ano na naman? M-May dapat pa ba akong malaman, Aly? May dapat pa ba akong malaman tungkol sa nakaraan? Na naman?" sunud-sunod na tanong ko sa kanya. Nag-iwas siya nang tingin sa akin. Humakbang ako palapit sa kanya at hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya nang hindi siya hinahawakan. Natatakot na akong hawakan siya. "P-Pagod na a-ako, Aly. Pagod na pag

