Chapter 36: Decision HINDI ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Dahil sa nangyari kay Laven ay pati ang mga anak ko ay apektado na rin. Tumanggi nang magpa-opera ni Bon dahil ayaw niyang makita lang ang daddy niya na mahimbing na natutulog at walang kasiguraduhan na magigising pa siya. Pero napapayag din siya dahil sa daddy niya. Sumasakit ang ulo ko dahil sa problemang dumarating sa amin. Pakiramdam ko ay magbi-breakdown din ako. "Hoy, Meds. Kanina pa kita tinatawag!" Si Jullie ang umahon sa akin mula sa malalim kong pag-iisip. Napatingin ako sa kanya at kunot na kunot ang noo. "Balita ko ay hindi ka madalas dumalaw sa kuwarto ni Laven," sabi niya sa akin. Nakaupo lang ako sa bench na nasa labas ng silid ni Bon. Pagkatapos naming mag-usap kanina nina Bon at Raven ay nagpaalam ako

