CRIZEEL POV Isang linggo na mula ng nangyari sa amin ni Flinn. But we still the same. Nandito kami ngayon sa kwarto niya nakahiga lang kami habang nagkwekwentuhan. Inaalam lahat ng bagay bagay sa buhay namin. "Uuwi na sila bukas." sabi niya sa akin habang nakatingin sa kisame. "Oo nga, kailangan natin mag ingat." saad ko sa sinabi niya. "Natatakot ako." nagulat ako sa sinabi niya. "Natatakot ako na baka ilayo ka sakin ng tadhana." napangiti ako sa di malamang dahilan. "Hindi." yinakap ko siya at hinalikan naman niya ako sa noo. Ginito lang kami hanggang sa makatulog siya. Nakatingin lang ako habang natutulog siya na katabi ako. Napaka amo ng mukha niya, tapos makapal ang kilay niya. Yung labi niya masarap halikan dahil kissable lips siya. "Criz, natatakot ako..." may luhang tu

