CHAPTER 38 KURT'S POV Ilang linggo na ring di nagpapansinan si Ella at si Migs. At ilang linggo na ring sumasama si Grey sa barkada. At isa pa.. Ilang linggo na ring nagpapanggap si Ella at si Grey na mag-on. Alam na po namin ang lahat. Alam na po namin na nagpapanggap lang sila at alam din naming magbestfriends sila. Nasabi na samin ng girls. Nakikisakay na lang kami sa trip nilang magbestfriend. "Pare tignan mo si Migs." Sabi sakin ni Vinz. Nandito nga pala kami sa cafeteria. Tinignan ko naman.. "Oh bakit? Ano meron?" "Pffttt.. Mukhang gustong gusto nang sapakin si Grey." -Vinz Hahahahahaha. Ayaw pa kasi umamin ng gago. Halata naman. Nakakuyom na nga yung kamao niya sa mesa. Kaharap niya pa si Ella. Eh si Grey, sobrang sweet kay Ella. Hmmmm. Mukhang umaayon samin ang sitwasyon.

