CHAPTER 25 BRYAN'S POV Weeks, months passed.. Araw araw laging may naganap na eksena. Kung hindi sa room.. sa harap namin. At tuwing nakikita ko yun.. hindi ko namamalayang kumukuyom yung kamao ko.. Minsan, nag-aaway sila, nag-aasaran. Tas biglang magiging ganun na lang ulit. Yung eksena.. kung titignan mo at kung di mo sila kilala.. aakalain mong mag-on silang dalawa. Pero wala atang may lakas ng loob na magtanong sa barkada kung anong meron sa pagitan nina Migs at Ella. Nagbago si Migs simula ng makilala at makasama naming sina Ella. Ewan ko kung ano nangyari dian. Pero alam kong nagbago siya. Si Migs? Hindi yan sweet na tao. He's not into endearments like Babe, Baby so on and so forth.. Si Ella lang ang nakita naming tinatawag niya ng ganun. Oo, flirt yan si Migs. Pero sa bar lang

