Chapter 4

2053 Words
“A-Anong ginagawa natin dito Leo?” tanong ko habang patingin tingin sa paligid. Dinala niya kasi ako sa mall. Dito sa bilihan ng mga swimwear. Napapangiwi na lang ako sa mga nakikita kong two piece. “Bibili tayo ng susuotin mo.” simpleng sagot nito. Nanlaki ang mga mata ko. “Ha? S-Seryoso ka? Eh bakit kailangan ko pang magsuot niyan?” gulat na tanong ko. “Pool party ang birthday ni Shaun, alangan namang pagsuotin kita ng gown.” natatawang sabi niya. Napaiwas ako ng tingin. “L-Leo, hindi kasi ako nagsusuot ng mga ganyan.” sabi ko at napakamot sa buhok ko. “Akong bahala sayo.” sabi nito at nginitian ako. Alanganing napangiti na lang ako. Kakayanin ko bang magsuot ng mga ganito? Hala! Nandoon si Rash diba?! Pa'no kung makita niya ko na ganito ang suot? Baka kung anong isipin no'n. Natigilan ako dahil sa mga iniisip ko. Bakit ko ba iniisip ang sasabihin ni Rash? “Melody, look at this.” pinakita sakin ni Leo ang one-piece bikini na kulay itim. Mas mukha naman siyang matino kaysa sa mga bikini dito. Hindi siya gano'ng ka-revealing, tama lang. Nagthumbs up ako kay Leo. Napangiti siya at hinila ako papunta sa cashier. Binayaran naman niya 'yon. “Wait a minute.” may kinuha si Leo na parang lambat na kulay puti. Napakunot ang noo ko. Ano 'yon? “You will wear this if you're uncomfortable. Alam kong hindi ka sanay magsuot ng bikini.” nakangiting sabi niya at binayaran din 'yon. Napangiti ako, medyo matatakpan nga ang katawan ko kapag sinuot ko 'yon. “Faller!” napalingon kami sa tumawag kay Leo. “Hey Calli and Dash.” pagbati ni Leo sa dalawa. Ngayon ko lang nakita si Calli ng malapitan, anak siya ni Dragon Calli Freenwar. Ang gwapo niya talaga, manang mana sa tatay niya. “Hello miss.” nakangiting bati ni Calli sakin. Nanliliit ako, ang tatangkad nilang tatlo. Pinagtitinginan din sila ng mga tao dito sa mall. “H-Hello.” nahihiyang sabi ko. “Melody, right?” malamig na tanong ni Dash. Napalunok ako at napatango. Kahit magkamukhang magkamukha sila ni Rash, makikita mo talaga ang kaibahan nilang dalawa lalo sa ugali. Ano bang nagustuhan ni Lovely sa supladong 'to? Teka nga, pa'no niya kaya nalaman yung pangalan ko? “Invited ka sa birthday ni Shaun?” tanong pa niya. Napatango na lang ako. “Siya ang date ko.” sabi ni Leo at binitbit ang paper bag. “Bring your friend with you.” malamig na sabi ni Dash. Nanlaki ang mga mata ko. Si Lovely ba ang tinutukoy niya?! “S-Si Lovely?” gulat na tanong ko. “Sino pa ba?” masungit na tanong nito at saka walang sabi sabing nagwalk out. Agad namang sumunod si Calli sa kanya pero kumaway muna si Calli samin bago tuluyang umalis. “Type ni Dash yung kaibigan mo.” natatawang sabi ni Leo. “Ha? Sa tingin mo?” tanong ko sa kanya. “Believe it or not, ngayon lang nagkainteres si Dash sa isang babae. Akala ko nga bakla yan eh.” nakangising sabi ni Leo. Grabe, ang swerte naman pala ni Lovely kung gano'n. *** “Ayoko ngang pumunta do'n, hindi naman ako invited eh.” sabi ni Lovely habang nagmamaneho ng sasakyan niya. Ihahatid niya ko sa unit ni Rash. Buti pa siya, nakakapagdrive na. “Sige na, kasama ka naman namin ni Leo.” pangungulit ko sa kanya. Niyayakag ko siya sa birthday ni Shaun bukas, pero ayaw naman ng loka. “Ayoko nga. Hindi ako mahilig sa mga gano'ng party.” sabi pa niya. “Bakit? Ako din naman ah, pupunta lang naman ako kasi niyakag ako ni Leo.” nakangusong sabi ko. “Basta ayoko. Nakakahiya.” desididong sabi niya. “Gusto ka nga daw kasing makita ni Dash!” naiiritang sabi ko. Bigla siyang napa-preno. Nanlalaki ang mga matang napatingin siya sakin. “A-Ano?” “Nakita namin sina Dash sa mall kanina. Sabi niya isama daw kita sa birthday ni Shaun bukas.” automatic na namula ang buong mukha niya. “OMG! OMG! OMG!” Napairap na lang ako sa pag-iinarte niya. “Kaso wag na lang, sabi mo ayaw mo eh.” sabi ko at napakibit balikat. “Joke lang naman! Syempre sasama ako.” kinikilig na sabi niya at pinagpatuloy na ang pagmamaneho. “Nga pala, pool party 'yon ah.” paalala ko sa kanya. “Yes ma'am!” masiglang sabi niya. Basta talaga tungkol kay Dash Pierce Farthon, mabilis kausap 'tong si Lovely. *** “Saan ka galing?” Napahigpit ang hawak ko sa paper bag dahil sa malamig na boses ni Rash. Napatikhim ako bago nagsalita. “S-Sa mall lang.” sabi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Dumiretso na ko sa kwarto ko at nilapag ang paper bag sa bedside table. Pumnnta na ko sa banyo at nagshower. Paano ko kaya kakausapin si Rash? Ilang araw na niya kong hindi pinapansin at aminin ko man o hindi, namimiss ko na ang kakulitan niya. Bakit ba kasi bigla na lang siyang hindi namamansin? Inaano ko ba siya? Napabuntong hininga na lang ako at lumabas ng kwarto pagkasuot ko ng pantulog ko. Naabutan ko si Rash na naninigarilyo sa may veranda. Napaubo ako dahil nalanghap ko yung usok na nanggagaling sa sigarilyo niya. Napalingon sakin si Rash. Agad niyang nilagay sa ashtray ang sigarilyo. Lumapit siya sakin at hinaplos ang buhok ko. Napahawak ako sa dibdib ko at napatikhim para pigilin ang pag-ubo ko, ayoko talaga ng amoy ng sigarilyo. “Sh*t. Are you alright?” nag-aalalang tanong nito. Napatango na lang ako. “A-Ayos lang ako.” sabi ko at napaiwas ng tingin sa kanya. Natigilan naman si Rash at agad na lumayo sakin saka napatikhim. Umupo siya sa may couch at binuksan ang tv. Ano bang pwedeng sabihin o itanong sa kanya para pansinin niya ulit ako? “R-Rash...” umupo ako sa tabi niya. “Hmm?” “H-Hindi ako makatulog, pwedeng ipagtimpla mo ko ng gatas? Ilang gabi na kasi akong hindi makatulog.” Totoo naman 'yon, hindi na kasi niya ako naipagtitimpla ng gatas. Nahihirapan na naman tuloy akong matulog. Napalunok siya at napaiwas ng tingin. “N-Next time na lang.” nauutal na sabi nito. Napakunot ang noo ko. “Rash, hindi ako makatulog eh. Sige na.” lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso. “Please.” pamimilit ko pa. “Damn, ikaw ang may gusto nito Melody.” tila nahihirapang sabi niya. Huh? Anong ibig niyang sabihin? *** Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kiliti, pero hindi ko maidilat ang mga mata ko at hindi rin ako makagalaw gaya ng madalas mangyari sakin. Hindi ako makapalag nang maramdaman kong tinatanggal niya ang pagkabutones ng pantulog ko. “Fvck.” narinig kong mura niya. Bakit parang pamilyar sakin ang boses niya? Bumaba sa collar bone ko ang mga halik niya nang mahubad na niya ang pantulog ko. Lumakas ang t***k ng puso ko nang bumaba ang kamay niya sa pajama ko at ibinaba 'yon. Ginagawa na naman niya ang mga 'to. Akala ko titigil na siya, hindi pa rin pala. Third Person's POV~~~ Malalim ang paghinga niya habang sinusuotan niya ulit ng damit ang walang kamalay malay na babae. Dinampian niya ito ng halik sa noo bago lumabas sa kwarto nito. “Damn it.” mariing mura niya. Mas lalo lang nag-iinit ang katawan niya. Parang gusto niya ulit pumasok sa kwarto ng dalaga. Pero alam niya na kapag ginawa niya 'yon, baka tuluyan na niyang maangkin ang babae. Hindi kakayanin ng konsensya niya kapag nagkataon. Napasabunot na lang siya sa sariling buhok. Pakiramdam niya sasabog na siya sa sobrang pagnanasa sa kay Melody. Melody's POV~~~ “Hello Leo.” “Susunduin na lang kita diyan sa unit ni Rash, okay lang?” “Sige.” tanging sagot ko saka binaba ang tawag. Napatingin ako sa wall clock, 7:30 pm na pala. Ngayong gabi kasi gaganapin ang birthday ni Shaun. Napatingin ako kay Rash nang lumabas siya sa kwarto niya. Natigilan si Rash at napakunot ang noo saka hinagod ako ng tingin. Nakasuot kasi ako ng off shoulder na puti at simpleng maikling short. Nakasuot na sa loob ang one piece bikini na binili ni Leo para sakin. Nailang ako sa paraan ng pagtitig niya sakin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. “Saan ka pupunta?” tanong nito. Hala! Hindi nga pala niya alam na pupunta ako sa birthday ni Shaun. Magsasalita na sana ako kaso biglang tumunog ang phone niya. Agad niyang sinagot ang tawag. “Hello Maddie, yes, papunta na ko diyan.” Napasimangot ako nang makalabas na si Rash ng unit niya. Tss, may nakausap lang na babae nakalimutan na ko. Magsama sila! Makalipas ang ilang minuto, tumunog ang phone ko. Agad kong sinagot iyon nang makita ko ang pangalan ni Leo. “Hello.” “Melody, labas ka na. Nandito na ko.” napangiti ako sa sinabi niya. Na-excite akong makita siya. Kahit boses niya kasi, gwapo din. “Sige, hintayin mo ko diyan.” Agad kong tiningnan ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng unit ni Rash. Agad akong sumakay sa elevator at pinindot ang ground floor. Huminga ako ng malalim. Excited ako na kinakabahan, basta. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. “Melody.” agad akong pinagbuksan ni Leo ng pinto sa kotse niya. Agad naman akong sumakay. “Are you ready?” nakangiting tanong nito pagkasakay sa kotse. Ngumiti ako sa kanya at tumango. “Teka lang, tatawagan ko muna si Lovely, baka isabay na din natin siya.” sabi ko at kinuha ang phone ko at tinawagan si Lovely. “H-Hello Melody.” napakunot ang noo ko. “Susunduin ka pa ba namin ni Leo diyan sa inyo?” tanong ko. Pinaandar na ni Leo ang sasakyan. “H-Hindi na, nandito na si Dash eh.” napangiti ako sa sinabi niya. Kaya naman pala ang hinhin ng boses, nandoon pala si Dash. *** “Kinakabahan ako Leo.” sabi ko habang mahigpit na nakakapit sa braso niya. Napangiti na lang siya. “Akong bahala sayo.” Napanganga na lang ako pagpasok namin sa malaking gate. Marami rami ng mga tao, puro naka swimwear sila. Grabe! Sobrang ganda dito. Ang nakaagaw sa atensyon ko ay ang malaking swimming pool na nailaw pa. Marami rami din ang ang nags-swimming doon. “Halika, magpalit na tayo.” iginiya niya ko papasok sa mansyon ng mga Farthon. May mga tao rin dito sa mansyon, yung iba nakain, yung iba nagk-kwentuhan. Mukhang mayayaman ang mga din ang mga bisita. Nakanganga lang ako habang hindi mapirmi ang mga mata ko sa paligid. Grabe, ganito pala kayaman sina Rash. Masyadong nakakalula. “Pumasok ka diyan, cr yan. I'll wait for you here.” sabi ni Leo. Napatango na lang ako at pumasok sa cr. Napaawang na naman ang mga labi ko pagkapasok ko sa banyo. Grabe, parang palasyo ang mansyon na 'to. Pati cr sosyal. Tiningnan ko muna ang sarili ko sa malaking salamin pagkatapos kong magpalit ng damit. Namula ang mukha ko, nakakahiya magsuot ng ganito. Kinuha ko ang puting pambalot na binili sakin ni Leo at agad ko iyong sinuot. Medyo komportable na ko kahit kita pa rin ang katawan ko. Agad na kong lumabas ng banyo. Napangiti si Leo at lumapit sakin. “Hindi mo dapat ikinakahiya ang katawan mo Melody.” sabi ni Leo at hinagod ng tingin ang katawan ko. Napaiwas ako ng tingin. Kinikilig ako! “Halika, ipapakilala muna kita kina Shaun.” agad akong napailing sa sinabi niya. “W-Wag na lang. Nakakahiya.” baka makita pa ko ni Rash, mahirap na. “Hindi yan.” hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa hardin ng mansyon. Nandoon ang pamilyang Farthon pati na rin ang parents ni Leo. “Hey everyone. Si Melody nga pala.” napatungo ako nang sabay sabay silang mapatingin sakin. Nakakahiya talaga. Pero nagtaka ako nang pinagpatuloy na ulit nila ang mga ginagawa nila at hindi ako pinansin. “Leo, hindi ka na nagbago.” sabi ni Mrs. Shenna Farthon habang nakaakbay sa kanya si Mr. Farthon. “Tigilan mo na nga Leo. Kukurutin na kita eh.” sabi naman ni Mrs. Kyla Hillary Faller. “Araw araw na lang iba ang girlfriend.” sabi naman ni Shaun at napailing. “Hindi ko siya girlfriend.” natigilan silang lahat at napatingin kay Leo. “K-Kaibigan ko lang po si Leo.” napaawang ang labi nila. “Fvck. Are you serious?” tila hindi makapaniwalang tanong ni Vasper, isa sa mga kapatid ni Rash. “Oo nga.” natatawang sabi ni Leo. “It's a fvcking record.” natatawang sabi naman ni Calli. Napakunot ang noo ko. Ano naman kung kaibigan ako ni Leo? “Rash! Come here.” natigilan ako nang tawagin ni Mrs. Farthon si Rash. OMG! Pasimple akong sumulyap at ayun nga si Rash, naglalakad na papunta sa pwesto namin. Huminga ako ng malalim, napahigpit ang kapit ko kay Leo. Grabe ang kabang nararamdaman ko. “Rash, kilala mo na ba si Melody? Kaibigan daw siya ni Leo.” nakangiting tanong ni Mrs. Faller. Nanginig ang mga tuhod ko nang mapatingin sakin si Rash. Wala siyang suot na damit pang-itaas. Basa din ang katawan niya, halatang kagagaling niya lang sa pags-swimming. Nakaramdam ako ng pagkailang at napaiwas ng tingin sa katawan niya. Bakit ganito? Araw araw ko namang nakikita ang katawan niya ah, bakit parang naninibago ako na ewan? Napalunok ako nang tingnan niya ko ng masama saka hinagod ng tingin ang suot ko. Nagulat kaming lahat nang bigla na lang hablutin ni Rash ang braso ko at hinila ako palayo sa kanila. “R-Rash, anong ginagawa mo?!” sabi ko habang pilit na inaalis ang pagkakahawak niya sakin. Marahas niya kong binitawan kaya napasandal ako sa pader, napangiwi ako dahil medyo masakit ang pagtama ng likod ko sa pader. “What the hell are you doing here Melody?!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD