Chapter Two

651 Words
“No, we are done! Magsama kayong dalawa. Mas maganda at mas makakabuti sa ating lahat kung magkakalimutan na tayo. Zed Santos; ito na ang huling pagkakataon na kilala kita dahil bukas patay ka na sa memorya ako” nasaksihan ko ang pagtulo ng kanyang luha. Ako rin man ay nasasaktan dahil sa pagkawala ng matalik kong kaibigan. Ang kakambal ko sa kalokohan at kalandian. Muli kong pinagpatuloy ang paglalakad. Napuno ang aking memorya ng mga ala-alang pinagsaluhan namin ni Aaron at ni Zed. Sa tatlong taong pagsasama namin ni Aaron; ang bawat araw na minahal at pinagsilbihan ko siya. Mga paglalambing at kantsawan namin sa isa’t-isa. Mga pagkakataong kinalimutan ko ang aking sarili para unahin siya. Si Zed naman, ang katangi-tanging tao na hindi umiwan sa akin sa pagkakataon ng kagipitan at problema. Siya at siya lang ang palaging umu-oo para samahan ako sa kung saan-saan. Isa sa mga taong lubos na inintindi ang pagkatao ko. Bakit ganun? Parang kidlat. Sa dami-rami ng tao sa mundo; bakit siya pa? Mas masakit ang pagkawala niya eh. Mas masakit dahil kailangan ko na siyang iwan at kalimutan bilang parte ng aking buhay. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya? Kay Aaron lang naman ako may atraso eh.                 Nasa silong na ako ng waiting shed nang magsimulang umulan. Napakalakas. Marami nang taxi ang dumaan pero nanatili pa rin ako sa silong waiting shed na yun. Nakaupo ako sa sementadong bangko at nakatitig lang sa aking maleta. Napabuntong—hininga na lang ako kasi hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Tinakwil na ako ng aking pamilya nang malaman nila ang pagkabakla ko. Isang sapak mula sa aking ama, isang masakit na panenermon mula sa aking ina, isang nandidiring tingin mula sa aking utol at mga tsismis mula sa aking mga kapitbahay. Ano pang babalikan ko? Ang buhay na iparamdam sa’yo na salot ka? Na malas ka? Na abnormal ka at makasalanan ka na agad kasi nga ganun ka? Wala na. Paano na? Tulad ng pagpatak ng mga patak ng ulan sa daan at sa kung saan man ay ang mga katanungan sa isip kong pilit na humahanap ng kasagutan. Aaron Adriano; sino na ba siya ulit? Siya lang naman ang nagpa-ikot ng mundo ko, ang nagbigay inspirasyon at ang katangi-tanging tao sa buhay ko. Ako? Paano na ako? Saan ako magsisimula?                 Tumunog ang cellphone ko; kaagad kong tinignan ang screen at nakita ang pangalan ni Mateo Rivera; officemate ko at kaclose sa aking workplace. Tinanggap ko ang tawag. “Hello, Matt?”                 “Hey, Carlo. Free ka ba ngayon? Samahan mo naman akong maglunch.” ang sabi niya sa kabilang linya.                 “Matt, I need help” ang sabi ko. Nagsimula ulit akong umiyak. “i need a place to stay”                 “Huh? Nasaan ka ba?” ang nag-aalala niyang tanong sa akin.                 “Dito sa waiting shed sa harap ng subdivision namin” ang tugon ko.                 “Sige. Hintayin mo ako. You could stay in my place”                 “Thank you, Matt”                 Hinintay ko nga siya sa waiting shed. Hindi ko maiwasan ang isipin si Zed at Aaron ngayon. Magkasama na sila; malamang tumatawa at pinagtatawanan ang nalokong ako. Hindi natagal ay may tumigil na taxi sa harap ko; bumaba kaagad si Matt.                 “Carlo, ano bang nangyari?” ang tanong niya nang humarap sa akin.                 “Wala na kami ni Aaron; pinagpalit niya ako kay Zed. For eight months, ginago nila ako”                 “Zed? Hindi ba bestfriend mo siya?” ang sunod niyang tanong. Napatango na lang ako. “Tara na, sa apartment na lang nating pag-usapan.”                 Pumara siya ng taxi at sumakay kami. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana samantalang nararamdaman ko naman ang paminsan-minsang pagtitig ni Matt sa akin. Tumingin ako sa kanya. “Matt, thank you. Pagsamantala lang naman ‘to. Lilipat kaagad ako kapag nakahanap ako ng sarili kong matitirhan.”                 “Ikaw talaga, Carlo. Okay lang na magtagal ka; mas okay nga kung sa akin ka na titira. wala naman akong kasama. At least, hindi na ako mag-iisa.”                 “I insist. Nakakahiya sa’yo”                 “Asus, para namang wala tayong pinagsamahan. I could be your new bestfriend and you’ll be my homie”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD