Pinagsaluhan namin ang cake at mga sari-saring pagkain na hinanda ng cafe para sa akin. Pagkatapos nun ay bitbit ko ang aso kasama ang isang box ng blueberry cheese cake na binigay ni Zed sa akin. Dumeretso ako sa apartment ni Matt. Sana lang ay hindi siya magalit sa akin at hindi siya allergic sa kung ano mang hayop. Linalaro ko ang tuta maghapon habang hinihintay ang pag-uwi ni Matt. Nakapagpasya na ako; lilipat na ako sa apartment na regalo sa akin ni Zed. Linalantakan ko ang isang slice ng cake nang nakareceive ako ng text message mula sa boss ko sa opisina. Hindi ko na tinuloy ang pagkain at kaagad naman akong nag-ayos at umalis ng apartment papuntang opisina. 8pm na. paniguradong hinihintay na ako sa department namin. Nasa elevator na ako nang tumawag ang isa kong kaopisina at tinano

