"Ang gwapo nga eh." ang depensa niya. "Sana noon mo pa pinagupit yang buhok mo. Ang linis mong tignan." "Ah, may nag-advice lang sa akin" ang pagpapaliwanag ko. "Kung sino man yan; salamat sa kanya. Nadagdagan na ang pwedeng titigan sa department natin." ang biro niya. "Haircut lang pala ang solusyon sa'yo. Nga pala baka naman si Matt ang nagsuggest nan" "Hindi, si Crazy4¬¬Ü" ang pagtatama ko. "Speaking of Matt. Nasa department na ba natin siya?" "Oo, kanina pa. Himala nga eh. Hindi kayo nagsabay." "Yeah, bad mood siya since kahapon. Hindi nga ako pinapansin" "Nag-aaway ba kayo?" "Hindi naman. Hindi ko nga alam kung anong problema. Kagabi nga nasungitan pa ako" "Kausapin mo na lang, Carlo para maliwanagan ka." "Tsaka na lang. Timing muna baka sapakin ako eh. Mahirap na." ang huli

