Sa ilang linggong nakasama ko si Matt ay marami na pala akong alam tungkol sa kanya. Size 41 ang sapatos niya, pinipilit kong favorite color niya ay turquoise at hindi sky blue; pareho silang kulay blue pero iba ang shade, vegetarian siya kaya minsan pinipilit ko siyang kumain ng kahit unting meat, mas gusto niya ang FIFA kaysa NBA, siya mismo ang naghahandwash ng neckties niya at hindi niya talaga pinalalaba sa laundry shop, favorite band niya ang "The Calling" at "The Fray", dumagdag sa listahan ng favorite niyang singer si RnB Singer Mario pagkatapos kong iparinig sa kanya ang ilang kanta niya tulad ng "How Do I Breathe", "I Choose You", "Crying Out For Me" at "Falling Down". Bago siya matulog ay nagbabasa muna siya ng Reader's Digest o kung ano mang magazine. Allergic siya sa squid; a

