Carlo_Torres: Stop this! You’re creeping the hell out of me. Maghanap ka ng ibang maloloko. Crazy4Ü: Hindi kita niloloko at hinding-hindi kita lolokohin. Carlo_Torres: Kung ganun; magpakilala ka. Crazy4Ü: I can’t Carlo_Torres: And why not? Crazy4Ü: How could I be your secret admirer if you know me? TRUST me. Matagal na kitang pinagmamasdan Carlo_Torres: Really? Crazy4Ü: Yeah, catch me. Hanapin mo ako. Carlo_Torres: Clue? Hindi na siya nagreply. Lumipas ang ilang minuto pero wala pa rin. Isasara ko na sana ang aking IM nang may dumapong papel na eroplano sa desk ko. Pinulot ko yun at binuklat. Isang litrato ng tribal sun design. Crazy4Ü: That’s my one and only clue. “You got to be kidding me” ang malakas na bulong ko sa aking sarili.

