Sampung minuto kaming naroon. Hinintay niya ako hanggang sa nagsawa ako sa kaiiyak. "Uwi na tayo" si Matt. "Pero may lakad pa tayo,eh." "Hindi ka naman okay. Postpone na lang natin" ang suhestyon niya. "Hindi. I need this. Tsaka, they are looking forward for this night." "Sure ka?" "Oo. Salamat, Matt-matt" "Pero" "Matt, tara na. Baka hinihintay na nila tayo" ang pagpilit ko sa kanya sabay tayo. Nagsimula akong maglakad papuntang lobby. Sinundan niya ako at inakbayan nang makahabol. "Carlo, basta narito lang ako para sa'yo" "Thank you, Matt" ang tugon ko. Nasa lobby na nga ang mga officemate namin. "Oh, saan kayo galing?" ang tanong ni Sandra. "Wala, nagmoment lang kami sandali ni Matt-matt" ang tugon ko. "Ang tagal niyo kasi" "So, saan ng pala tayo maghahang-out?" si Sandr

