CHAPTER 4

1363 Words
8:00 PM... ILANG BESES ng tumayo si Kyo sa kinauupuan niyang silya. Nakailang beses na rin niyang sinipat ang pulsuhan. Wala siyang balak sa ganitong tagpo dahil alam niyang maghhihintay lamang siya kay Wendy. Pumayag siyang ilagay sa sala na 'di naman kalakihan ang mga pagkaing iba't ibang putahe na ipinadala ng kaniyang ina at luto naman ng mga katulong nila. Second year wedding anniversary nila ngayong araw ni Wendy. It's been an hour but it's still not come. Plano lang naman ng kaniyang ina ang lahat at never maging kasama siya. Ayaw niyang maghintay ng matagal dahil nuong first wedding anniversary nila ay halos hindi na nito maalala sa sobrang busy nito. Wendy is a flight attendant. Matagal na niyang kakilala si Wendy dahil anak ito ng kaniyang Tita Lina na matalik na kaibigan ng kaniyang ina. Arrange marriage ang naging pagsasama nilang dalawa. Pero ito ang babaeng madaling mahalin dahil sobrang sweet nito na gustong -gusto niya sa isang babae. Hindi nagtagal nabunyag din na may gusto sa kaniya si Wendy—kwento ng ina nito sa kaniya. Hindi lang iyon, ito ang klaseng babae na hindi mahilig manamit ng maiiksing kasuotan na kulang na lamang ay lumabas ang mga maseselang bagay. Sa sandaling kasama niya ito, natutunan niya itong ibigib. Ngunit hindi ganoon kalaki dahil wala ng hihigit pa sa magmamahal niya sa dating nakarelasyon ng pitong taon. Pitong taon na biglang na lang naglaho sa paningin niya. Flashback... "Kanina ka pa?" Tanong ni Nat habang nakatayo at nakasilip sa bintana ng kotse. Sinundo niya si Nat sa pinapasukan nitong ekswelahan. Habang siya naman ay kalalabas lang ng school. At dahil may sarili siyang sasakyan mabilis niya itong napuntahan. "Medyo." Nangingiti niyang sagot sa nobya. "Halika na, pumasok ka na sa loob." Anyaya na niya. "Ang sabi ko naman sa'yo kasi magtetext ako pag palabas na 'ko. Naghintay ka tuloy." Wika ni Nat habang humahakbang papasok sa loob ng kotse. Sinarado muna ni Kyo ang pintuan para kay Nat at pagkatapos pinaandar ang makina ng sasakyan bago sumagot. "Okay lang 'yun. Hindi naman nakakapagod maghintay, saka nasa loob lang naman ako ng kotse ko." Tumango na lang si Nat sa inusal niya. "Bakit nanahimik ka mahal? Kumusta nga pala ang sem n'yo? Ilang buwan na lang ga-graduate ka na." Nakatingin na sabi ni Kyo kay Nat. Habang ang dalaga ay hindi maitatangging malungkot ang mukha. "Okay naman." matamlay na sagot nito. "Su daws! Okay, pero ang mukha." bulalas ni Kyo saka biniyayaan ang nobya ng halik sa pisngi. "Huy! Tingnan mo nga 'yang minamaneho mo! Marami pa tayong pangarap, no! Wala pa tayong lahi!" Suway nito sa kaniya. Tanging napangiti na lamang siya kay Nat. Sa t'wing gagawin kasi niya iyon, iyon at iyon lagi ang naririnig niya sa bunganga ng nobya. "Nextweek anniversary na natin mahal." paalala niya kay Nat. Na Hindi naman niya tinapunan ng tingin ang dalaga. "Oo nga. Ang bilis ng mga oras at araw. Dati lang nagkukwentuhan tayo sa canteen. Doon ba sa elementary, tapos nung mag highschool tayo crush mo na pala ako, tapos niligawan mo na ako, tapos ayun na!" Natatawa nitong paalala sa panahong mga bata pa sila. "Seven years na puno ng pagmamahal ko sa'yo Nat. Mag aaral ako ng mabuti, para pag may pamilya na tayo mabibili ko lahat nagg gusto natin para sa magiging anak natin." Nakangiti at bakas na bakas sa mukha niya ang determinasyon Ng sabihin iyon kay Nat. "Yaan tayo, e! Tayo na lang dalawa nagkakabolahan pa!" Saka bahagyang tumawa si Nat. "Bakit nga pala malungkot ka kanina?" Muling babalik nito sa naudlot na tanong kanina. Nakita niyang humugot muna ito ng malalim na paghinga bago sinagot ang katanungan niya. "May sakit kasi si itay. Nakakahiya na rin kay Tita Helen kasi bukod sa marami na kaming utang sa kaniya, e, madagdagan pa iyon. Kailangan kasi ulit niyang operahan sa tuhod." Kuwento ni Nat. "Ikaw naman kasi. Puwede naman ako manghiram kay Mommy ng pera. Sasabihin ko may kaibigan akong tutulungan." suhesyon nito. "Ayoko Kyo! Problema ko 'to—namin. Basta malalagpasan din namin 'to Kaya huwag kang mag alala. Saka aayusin naman daw ni Tita Helen ang SSS ni itay, yuon lang malaking tulong na 'yun. Saan na ba tayo, huh?" Biglang pag-iiba ni Nat dahil hindi iyon papunta sa park na laging pinupuntahan nila ni Kyo. Nadala siya sa pagkukwentuhan nila at hindi niya namalayang malayo-layo na pala ang nararating nila. Hindi kumibo si Kyo, pero bakas sa mukha ang kasiyahan. Iniliko nito ang sasakyan at minuto lang inihinto nito. At ng lingain ni Nat ang kapaligiran, isang tuwid na daan at napapaligiran ng mga puno ang nakikita niya. "Ano 'to? Saan 'to, Kyo?" Nagtatakang tanong ni Nat na nakatingin na kay Kyo. Nakita niyang binitawan ni Kyo ang manubela. "Nextweek wala ako sa anniversary natin." Malungkot na usal ni Kyo. Nagulat naman si Nat sa narinig. "Wala?" Ulit ni Nat dahil iyon ang kauna-unahan na dadausin nila ang anibersaryo na hindi magkasama. "Mag o ojt na kasi ako biglang doctor mahal ko. Pero mag-aaral pa ulit ako bilang isang propesyonal na doctor." Paliwanag ni Kyo habang nagawa ng hawakan ang palad ni Nat. Hindi makakibo si Nat. Walang salitang nais na mamutawi sa kaniyang bibig. Nalulungkot at masaya si Nat sa narinig. "Siguro bumaba na tayo mahal, may ipapakita pala ako sa'yo." Tameme pa ring sumunod si Nat sa nobyo. Simula ng maging mag-on sina Nat at Kyo ay ngayon lamang magkakakalayo ang dalawa. Sa edad na bente dos habang si Kyo ay bente tres maraming magsasawang araw na magkasama sila nito. Kahit hindi anibersaryo ng dalawa ay parang may mahalagang araw na nagaganap. Aminado si Nat na ilang beses na rin siyang nahalikan ng nobyo at iyon naman ay tanggap niya at hanggang doon pa lamang dahil may pangako sila sa isa't isa. Magkahawak kamay silang nagkalalakad. "Saan mo na naman ba ito nakita?" Saka ngumuso ng matanong. "Huwag mo 'kong ngusuan at baka halikan kita d'yan!" Banta ni Kyo sa kaniya. "E, saan mo nga ito nalaman? Hindi mo 'man lang sinabi na may pupuntahan tayo. Ang akala ko lang pupunta tayo ng park." "May surprise bang sinasabi?" "So, surprised mo 'to?" Saka bumitaw Sa pagkakahawak sa nobyo. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito kaya hindi siya nakabitaw. "Ayaw mo ba mahal? Nextweek naman na 'yung anniversary natin kaya inadvance ko na." "May ano naman dito?" Bago sagutin ni Kyo ang katanungan ni Nat ay huminto muna siya sa paghakbang. Saka ipinasak ang palad sa loob ng bulsa. At si Nat naman ay napasunod naman ng tingin sa ginagawa binata. Isang singsing ang inilabas ni Kyo na galing sa bulsa nito. Inabot nito ang daliri ni Nat na hinayaan naman nito. "Bagay na bagay mahal. Ito ang regalo ko saiyo ngayon 7th aniversary natin. Darating din 'yung panahon na hindi na tayo magkakahiwalay." Iniikot ni Nat ang daliri. Hindi ito makapaniwala sa nakita. Alam niyang mamahalin ang singsing na ibinigay ni Kyo dahil may batong nakapaligid sa bawat sulok. "A-akin ba talaga 'to?" Nauutal ni Nat na tanong. "Syempre!" malakas na sabi ni Kyo sabay yakap pangarap kay Nat. "I love you Nathalie ko." Hindi na hinintay ni Kyo ang kasagutan ni Nat at mabilis na sinakop nito ang nauwang labi ng nobya. Isang malakas na tunog ang narinig ni Kyo. Mabilis niyang iniiling ang ulo. Hindi na dapat inaalala ang mga bagay na kamuntikanan ng sumira sa mga pangarap niya! Isang ala-ala na lang iyon na malabo ng masagot dahil ni anino nito ay hindi na nagpakita pa sa kaniya. Walang siyang balita kay Nat o maging sa pamilya nito. Inabot niya ang kaniyang cellphone. Nasa kabilang linya ang kaniyang asawa kaya mabilis niya iyon sinagot. "Hello. Where are you now?" may pagtitimpi sa boses na salita niya. "Sorry Kyo, na late ako." malumanay na dinig niya sa asawa. "So nasaan ka na?" "Mauna ka na sigurong kumain. Male-late pa ako ng isang oras." Imbes na sumagot si Kyo ay pinatayan na lamang niya ng linya ang asawa. To be continued... Hi! I know! Maraming mabbitin sa update ko today. ?? Don't worry madalas naman ang update nito. ❤️ BC

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD