Twenty Three: Ako lang dapat ZIA's POV Kinabukasan. Walang Dwight Wingstone akong nakita sa campus. Hindi naman sa hinahanap ko siya kaya ko alam na hindi siya pumasok kundi dahil nagcheck ng attendance yung prof namin kanina. Hindi ko tuloy maiwasang mag-alala sa kaniya dahil naglong quiz kami sa math at hindi pa naman nagpapaexcuse sa long quiz si Ma'am Jarabata. Next day, hindi pa din pumasok si Dwight. Tinanong ko sina Cedric at Trace kung bakit absent siya pero wala akong matinong nakuhang sagot sa kaniyang mga kalahing pinsan. Friday, pangatlong araw na absent ang hari ng mga unggoy. Hindi ko alam kung maiinis ako o mag-aalala sa kaniya dahil malapit na ang exam hindi pa siya pumapasok. Pag hindi siya pumasa sa midterms it means na mag e-special tutor ako sa kaniya at ayokong

