Thirteen: Dwight & Cedric ZIA's POV Muli kong inamoy yung tuxedo ni Cedric. Hindi ako pwedeng magkamali. Ganitong ganito talaga yung pabango na naamoy ko nung halikan ako ng misteryosong lalaki kanina doon sa party. Napatingin ako kay Cedric na wiling wili sa kakapanuod ng mga ilaw na nanggagaling sa siyudad sa baba. Sya kaya? Napailing ako. Naghahallucinate na naman ba ako? In the first place, wala naman akong maisip na dahilan para gawin nya yon. Hindi nya ako gusto, alam ko yon. Pero kasi yung pabango.. Aisht!! Hindi lang naman siguro sya ang may ganitong pabango diba? Tama! Pero kung hindi siya sino naman gagawa ng ganoon? "Nilalamig ka pa ba?" Napalingon ako sa kaniya. "Hindi na. Salamat dito." Iniangat ko yung manggas ng tuxedo niya na nakasuot sakin. Ngumiti sya s

