“T-tanggapin mo na please...” sambit niya uli, kitang-kita ko ang pamumutla na niya. Noong una, litong-lito ang aking isip kung ano ang gagawin. Syempre, nagalit ako sa kanya ngunit hindi ko rin akalain na magagawa niyang putulin ang kanyang daliri nang dahil lamang sa ganoon. Noong nakita ko pa ang malakas na pagtagas ng dugo galing sa kanyang sugat, doon na ako nataranta. “M-mauubusan ako ng dugo ‘tol. Tanggapin mo na please...” pag-ulit niya. Sa matinding takot ko, dali-dali kong kinuha ang singsing na kanyang inabot. At halos kasabay rin sa pagkakuha ko sa singsing, bumagsak siya sa sahig. Tarantang ipinasok ko ang singsing sa aking bulsa atsaka tumakbo sa bintana, nagsisigaw, ang boses ay tila sa isang taong halos puputok ang baga sa matinding pagsisigaw. “Itay!!! Itaayyyyyyyyyyy

