Gabing-gabi na nang nakarating kami ni Noah sa mansion ni Brix. Sa airport pa lang ay sinundo na kami ng driver. May isang driver pala ritong naka-assign para sa dalawang sasakyan ni Brix. Siya ang in-charge sa mga sasakyan, siya rin ang nagsisilbing hardinero kapag walang ginagawa. May isang katulong rin na naglilinis at nagmimentina sa bahay. Kahit gabi na at pagod kami sa biyahe, inikot ako ni Noah sa buong bahay, pati na sa hardin nito at sa swimming pool. “Ang ganda ng bahay ni Brix, Noah! Ang laki! Ang lapad!” ang nasabi ko kaagad kay Noah. “Gaga, sa iyo na ito!” “Hindi Noah. Kay Brix pa rin ito. Tayo lang ang namamahala.” “Hay naku, whatever. Basta ngayon, ikaw ang boss ko at ako ang mamamahala sa mga ari-arian at negosyo na namana mo. At ako na rin ang personal na assistant m

