Sa bahay namin natulog si Kuya Andrei. Syempre, nangyari na naman sa loob ng kuwarto ko ang isang ritwal na tanging kaming dalawa lamang ni Kuya Andrei ang nakakaalam. Matinding saya ang aking nadama sa pagkakataong iyon. Lalo na noong nalamang ang singsing daw na ibinigay niya sa akin ay handcrafted at nag-iisa lang daw ang design nito at siya mismo ang nagpagawa. Ang singsing namin ay wala raw kapareho. Nakikita ko naman na ang design niya ay kakaiba. White gold siya na ang magkabilang gilid na parang marble ay may border na kulay itim na may naka-imbed na gold sa gitna. Ang mismong gitna naman ng singsing ay may mga pinong-pinong gold design at drawing ng puso. Unique talaga siya. “Kuya... m-may babae ka ba, girlfriend, o nililigawan?” “W-wala naman. Bakit?” “Wala lang. Gusto ko lan

