Matapos ang malakas na pagputok na iyon isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin at ang malamig na boses kanina ni Eda ang nagpatahimik sa kanya, ngayon parang pumasok sa isip kuna hindi lang pala normal na tao si Eda mukhang may hindi ako alam sa kanya kasi ngayon ko lang naman talaga ito nalaman at nahatala sa kanya. Ngayon ko napatunayan kuna ibang-iba ang mga tauhan ni Von na kapag sa akin ang bait nila at punong-puno sila ng respeto sa akin pero kapag nasa iba na ang focus nila kayang-kaya nilang pumatay ng kahit sino sa isang iglap at hindi ako makapaniwal na nagawa ni Von ang ganitong bagay sa kanyang mga tauhan, hindi lang sila basta katulong dito sa bahay niya dahil kapag nagkamali ka mawawalan ka ng buhay sa isang maling galaw mo lang kagaya nalang ngayon sa ginagawa ni

