Hindi ko nalang pinansin ang sinabi ng lintik na ito at malalim lang akung napabuntong hininga pero hindi porket tahimik ako hindi ako lalaban sa kanila, nasasaktan lang talaga ako ngayon kasi hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa mahal ko, hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Von at kung ano nangyari sa kanya. Kanina hindi naman siya ganyan at mabait siya sa akin, hindi niya ako pinapabayaan at kapag may nagsalita sa akin ng masama nandiyan siya upang tulungan ako at hindi ako hinahayaan na masaktan o laitin ng ibang tao pero ngayon hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Hanggang ngayon pumapasok parin sa aking isipan ang sinabi ng lintik na ama ni Sabrina at hindi ko manlang narinig kung ano ang naging sagot ni Von dito kasi hindi ko lang talaga matanggap na hindi

