Chapter 3

1061 Words
Habang nakaupo ako sa bench kung saan kakatapos lang ng practice ko at hinihintay ko si Asami ng makarinig ako ng tawanan at tunog palang ng boses na iyon alam kung si Sabrina ito kasama na naman ang kanyang mga alipores. Hindi kasi matanggap ng baliw na ito na natalo ko siya sa competition at ako ang napili para tumugtog sa ibang bansa at simula noon naging kilala na ako at sa ibat-ibang bansa na ako nakakarating. Hindi niya lang siguro matanggap na natalo ko siya paano ba naman ang taas ng tingin niya sa kanyang sarili at akala niya makukuha na niya lahat kaya malaking kahihiyan ang nagawa niya lalo pa at inasahan na ng lahat na siya ang mananalo nakahanda na nga ang kanyang victory party kaya doon pa siya mas lalong napahiya. “Hindi na ako nagtataka kung bakit amoy basura na dito nandito pala ang pinaka-mabahong basura sa lahat!” sigaw nito na ngayon ay ramdam kung nasa harapan kuna at nagtatawanan na naman sila ng kanyang mga alipores. Mga tangina talaga akala mo naman kung sino kung noon hindi ako nagmumura pero habang patuloy nila akung minamaliit natuto na akung lumaban at magmura. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ayos lang sa akin ang ginagawa nila napupuno din naman ako minsan at kahit anong sira nila sa akin patuloy parin akung lalaban at ipagpapatuloy ang pangarap ko. Kinapa ko ang violin ko sa aking aking tabi at hinawakan ito baka kung ano na naman ang gagawin niya sa violin ko mahal pa naman ang bili ko dito baka sirain na naman ng bruhang ito. Kung ano man ang narrating ko ngayon pinag-hirapan ko ito at maraming pawis at luha ang inalay ko dito para lang makuha ito. “Hindi talaga ako makapaniwala na ang isang kagaya mo ang sumira ng buong pangarap ko para maging isang sikat na violinist at hinding-hinid ko matatanggap na ang kagaya mo lang na bulag ang tumalo sa akin na hayop ka! Ang dapat sayo maputulan pa ng kamay ng lumugar kana sa kalalagyan muna walang iba kundi sa basurahan at hindi ito!” hinintay kuna may dadapo na palad na pisngi ko pero ramdam kung may sumalo sa kanyang palad kaya hindi ito tumama sa aking pisngi. “Hindi na ako magtataka kung bakit hindi ikaw ang nanalo Sabrina dahil sa sama ng ugali mo matuto ka sanang tanggapin ang pagkatalo mo at kung ano man ang narating ni Fritche deserve niya iyon at para talaga sa kanya iyon,” bigla akung napangiti ng marinig ang boses n gaming guro dito at alam kung siya ang sumalo ng sampal ni Sabrina na para dapat sa akin. “Huwag mo ng hintayin na ako mismo ang mag suspend sayo at sisiguraduhin kung makakarating kay Daddy mo ang kabulastugan mo Sabrina ng maturuan ka naman ng leksiyon hindi sa lahat ng oras aasa ka nalang na may magtatanggol sayo at ikaw nalang ang tama dahil darating ang araw na makakahanap ka din ng katapat mo,” para sa akin tama naman ang sinabi ng guro namin dahil minsan ko ng narinig ang galit ng ama ni Sabrina ng malaman nito na si Sabrina mismo ang sumira ng violin ko at nagsasabi ako ng totoo kaya mas lalo lang silang napahiya sa mga bisita noon kaya siguro mas lalong nagalit sa akin si Sabrina. “Hindi na ako magtataka dahil noon pa malang si Fritche na ang kinakampihan niya at pinapaburan kaya sige magsumbong kayo kay Daddy dahil wala naman akung pakialam totoo naman ang sinabi kuna basura siya at walang kwenta!” wala na sigurong pag-asa na magkaka-mabutihan kami ni Sabrina lalo pa at basi sa kanyang boses matindi ang galit at poot nito sa akin pero wala lang siya talagang magawa. “Wala naman siyang kwenta pero siya parin ang palaging tama na ako dapat ang nasa posisyon niya ngayon pero inagaw niya!” mariin akung napayuko sa kanyang sinabi hindi ko alam pero nasasaktan ako para sa kanya lalo pa at alam ko namang pangarap niya din ang maging isang sikat na violinist pero patas naman ang laban naming dalawa at nagsumikap naman ako para makuha ang kung ano ako ngayon. “Alam ko namang pangarap mo ito Sabrina simula pagka-bata mo pero alahanin mo ang ginawa at ang kasamaan na ginawa mo sa kapwa mo tao para sabihan si Fritche na walang kwenta dahil saksi ako kung paano pinaghirapan ni Fritche ang kinalalagyan niya ngayon kaya sana Sabrina magbago ka naman kahit paano,” mahinahong saad ng guro naming pero alam kung kahit anong sabi mo kay Sabrina hindi siya makikinig dahil kung ano ang nasa utak niya para sa kanya iyon parin ang tama. Tama nga ako dahil ang malakas na tawa ni Sabrina ang narinig ko at mas lalong napabuntong hininga ang guro naming. “Guro lang kita kaya huwag mo ang pangaralan na parang magulang kita dahil hindi naman ako susunod sayo at kami ang nagpapasahod sayo kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako hindi kita ano-ano sa buhay ko,” alam kung kabastusan ang sinabi ni Sabrina sa guro namin kaya hindi kuna napigilan ang sarili ko at sumagot na ako sa kanya. “Igalang mo naman ang guro natin Sabrina kahit hindi mo pa siya kaano-ano wala ka namang karapatan na bastusin siya at pagsabihan mo siya ng ganyan dahil kung tutuusin tama siya sa kanyang sinabi!” malakas kung sagot kay Sabrina na mas lalo naman nitong ikinatawa sa akin. Si Sabrina ang tipo ng tao na ang lahat ng gusto niya ay makukuha niya paano ba naman ang yaman-yaman nila at isang business man ang kanyang ama at kilala ang pamilya niya sa buong mundo ka akung umasta akala mo naman kung sino. “Tumahimik ka Agustin dahil wala naman akung pakialam sayo hindi na ako magtataka na iniwan ka ng pamilya mo dahil wala ka namang silbi dito sa mundo dahil bulag ka!” para akung sinampal sa sinabi ni Sabrina na hanggang sa maka-alis sila hindi ako nakasagot at kahit wala akung makita natulala ako sa kawalan at bigla ko nalang naramdaman na sunod-sunod na tumulo ang kaing mga luha naramdaman ko nalang na niyakap ako ng guro naming habang panay ang tulo ng luha ko. Tama si Sabrina kaya siguro ako iniwan ng pamilya ko dahil bulag ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD